Nakaparada ngayon sa 10th place na may 3-4 record ang Worlds 2020 finalist na Suning sa simula ng Week 5 ng 2021 LPL Summer Split.

Noong isang linggo lamang, laman ng balita si Lê “SofM” Quang Duy na nakipag-switch ng roles papuntang support position sa game one ng laban nila kontra Royal Never Give Uo. Matapos ang magulong laning phase kasama ang game one pagkatalo, bumalik ang Vietnamese player sa jungle position na orihinal niyang role.

Hindi binigo ng jungler ang mga miron na tumulong Suning pataubin ang Royal Never Give Up, 2-1 sa best-of-three serye.


Ibinahagi ni Suning SofM ang kaniyang mga palagay tungkol sa meta sa 2021 LPL Summer Split

Sa 18 games na nilaro ni SofM sa 2021 LPL Summer Split regular season, lima dito ay pinakitaan niya ng kaniyang Rumble na may 60% win rate, at apat naman hawak ang Xin Zhao na may malinis na 100% win rate.

Kahit pa maraming nagsasabi sa League of Legends community na mid-jungle-top ang meta ngayon, taliwas ang tingin ng jungler tungkol dito.

“The meta is now open, and the players have their own pick style, so everything is unpredictable,” ani ni SofM sa panayam kasama ang ONE Esports. “Currently in the LPL, Edward Gaming’s bot lane is dominating. In the LCK, Canyon and ShowMaker seem remarkable.”

Credit: Riot Games, LPL

Partikular sa jungle, naniniwala siya na pumapabor ang meta ngayon sa team fighting.

Ang ibang malalaking kupunan tulad ng Invictus gaming na nasa ilalaim ng Suning sa 2021 LPL Summer Split standings ay mapapansing nahihirapan din sa meta ngayon.

Gayundin ang pakiramdam ni SofM sa kaniyang team na ayon sa kaniya ay kailangan pa ng oras para makahabol at makibagay sa 2021 LPL Summer Split meta lalo na at hindi sila nakakagamit ng mga meta champions.

Sa 2020 LPL Summer Split noong nkaraang taon, pampito ang Suning sa standings na may 4-3 record. Umakyat sila papuntang 4th place sa pagtatapos ng split, bago tuluyang nakawin ang third place sa playofss para maging representante ng kanilang rehiyon sa Worlds.

Dahil buhay pa naman ang tiyansa ng kupunan na makapasok sa Worlds 2021, alam ni SofM na kailangan ng kaniyang kupunan na makuha ng mas mabilis ang meta kumpara noong nakaraan. 

Kahit ngayong humaharap sila sa matinding pressure, nananatiling positibo si SofM. “I have no issue working with other members. The atmosphere in the team is very friendly, and people are so professional,” ani ng pro.


‘God of games’ ang tawag sa kaniya ng mga fans

Dahil marami ng competitive online games ang nalaro ng Vietnamese player, madaming fans sa bansa ang binsagan siyang “God of games”.

Sa Dota 2, 6,000 MMR ang naabot ni SofM sa solo queue noong 2018. Sa CS:GO naman, Faceit level 5+ amg narating ng talentadong pro. At kamaikailan lamang, nakatungtong na siya ng Legend.

Pakiramdam ni SofM na masyadong “exaggerated” ang ginawang bansag sa kaniya. Dagdag niya “Actually, I’m just really good at MOBA games.”


Kamakailan lang ay may bago nanaman siyang game na nilalaro

Sa pagitan ng 2021 LPL Spring at Summer split, busy ang Suning jungler na mag-grind sa Korean solo queue. Sa puntong iyon din muntik mapasama si SofM sa top ten ng kanilang server sa napakaigsing panahon. Tumataginting na 75% ang win rate ng pro at kilala siya ng kapwa niya players na isa sa mga pinakamabilis na player maka-akyat ng ranks.

Ipinaliwanag din niya kung bakit binago niya ang kaniyang IGN papuntang “8×8 JG”. Banggit niya, madalas daw siyang maglaro ng chess sa kaniyang free time. “I realize there are many similarities between playing chess and playing jungle in League of Legends.”

Haharapin ng Suning ang Oh My God sa July 9, 5 p.m GMT+8. Panoorin ang bakbakang ito sa official Youtube at Twitch channels ng LPL.