ShowMaker. Yan ang laging sagot sa tanong na, “Sino sa tingin mo ang pinakamagaling na mid laner sa MSI 2021?”

Kahit na ang MSI 2021 champion Royal Never Give Up mid laner Yuan “Cryin” Cheng-Wei sinabi rin ito sa isang interview. Walang pag-aalinlangang sinabi ni RNG Cryin na si Heo “ShowMaker” Su ang pinakamagaling na mid laner sa tournament – at may magandang dahilan ito.

Bilang isa sa mga nagdala sa DWG KIA, maraming papuri ang tinanggap ni ShowMaker kahit na natalo ang kanyang team sa MSI final. Laging sakto ang kanyang timing, perfect ang mechanical execution, na makikita rin sa kanyang solo queue achievements sa EU West server sa apat na linggo nya sa Iceland kung saan nag-rank 4 Challenger sya na may 1,240 LP.

Kasalungat naman nito, si RNG Cryin ay hindi masyadong nabigyan ng atensyon hindi lamang sa MSI 2021, kundi sa buong LPL regular season ng RNG. Kumpara sa sampung MVP’s ng jungler na si Yan “Wei” Yang-Wei sa 2021 Spring, at walo ni veteran top laner Li “Xiaohu” Yuan-Hao, apat lang ang natanggap ni Cryin.

League Of Legends MSI 2021 Royal Never Give Up Cryin
Credit: LoL Esports/Riot Games

Subalit nang talunin ng Royal Never Give Up ang 2020 World Champions na DWG KIA sa score na 3-2 sa grand final, ipinakita ni Cryin na isa rin sya sa mga pinakamahuhusay na mid laners – hindi lang sa MSI 2021, kundi sa buong mundo.


Sa MSI 2021 lang nagkaroon ng pagkakataon si RNG Cryin

Hindi ramdam si RNG Cryin dahil sa loob ng kalahating taon, isa syang substitute mid laner sa Royal Never Give Up para kay Xiaohu. Sa kabuuan, apat na beses lang nakapaglaro si Cryin sa regular season, kung saan nagtapos ang Royal Never Give Up na pangsyam sa labing-pitong teams.

Sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon, hindi nakapasok ang Royal Never Give Up sa playoffs ng Summer 2020.

Ito rin ang unang pagkakataoin sa apat na taon na lumaban sila na hindi kasama ang kanilang legendary AD carry na si Jian “Uzi” Zi-Hao, na nag-retire dahil sa serious health concerns.

League Of Legends LPL Spring 2021 Royal Never Give Up champions trophy
Credit: Royal Never Give Up

Alam nilang kailangan magkaroon ng pagbabago sa kanilang nahihirapang squad kaya gumawa ng malaking desisyon ang Never Royal Give Up bago magsimula ang Spring 2021: nag-role swap si Xiaohu papuntang top lane, si Wei sa jungle, si Crying sa mid lane, habang si Chen “GALA” Wei ang nag-iisa nilang AD carry.

Nanguna sa regular season ang roster at nagpatuloy sa lower bracket upang talunin ang FunPlus Phoenix sa score na 3-0 para sa LPL Spring championship.

Kahit noon pa, dahil sa stagnant mid lane meta, at dahil na rin sa kailangan nila ng highly team-oriented na playstyle, hindi pa rin masyadong napansin si RNG Cryin. Ang most played champions nya sa LPL Spring 2021 ay sina Oriana, Viktor, at Azir, mga three wave clear, late game scaling mages na taga-absorb ng pressure habang nagpu-push ng lane priority.

Swerte ang pagdating ng patch 11.9 sa MSI 2021, sa unang pagkakataon, nag-excel si RNG Cryin sa paggamit ng Nocturne at Sylas mid sa pagsisimula ng group stage. Gamit si Nocturne sa apat na games na may mataas na KDA na 6.9, at Sylas naman sa tatlo, undefeated si Cryin sa dalawang playmaking champions na ‘to sa MSI.


Nagpasiklab si RNG Cryin sa DWG KIA sa MSI final

Pero mas namayagpag si Cryin nang makatungtong ng final ang Royal Never Give Up.

Sa game one sa blue side, ni-lock in ng Royal Never Give Up si Lucian bilang first pick dahil hindi na-ban ng DWG KIA ang signature AD carry ni Xiaohu. Kahit na itinuturing na flex pick, isang beses lang nilagay ng Royal Never Give Up si Lucian sa mid sa kanilang unang match laban sa TT, at hindi sa bot.

Sa buong LPL Spring 2021, sya ang Xiaohu specialty: 12 games, 100% win rate.

League Of Legends MSI 2021 RNG DK final Game One PicksAndBans
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

“I don’t think it’s going to be Xiaohu on Lucian,” sabi ko sa mga kaibigan ko sa aming Discord watch party. “Since it’s the final, RNG have no more strats to hide, and I have this feeling they are going to surprise with RNG Cryin on an AD carry (finally).”

Matapos ang dalawang pick, ni-lock ng Royal Never Give Up si Nautilus support, at Gragas na walang ibang paglalagyan kundi sa top lane, kumukumpirmang oras na para mag-Lucian mid si Cryin.

League Of Legends MSI 2021 RNG DK final Game One Draft
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Para sa isang player na itinuturing na hindi kasing galing nina ShowMaker at Luka “Perkz” Perković, napakalinis ng laning phase ni RNG Cryin.

Laban kay ShowMaker sa kanilang unang paghaharap sa Rumble Stage, talo sa matchup ang Oriana ni RNG Cryin laban sa Lucian ni ShowMaker. At kahit 20 lang ang kanyang CS, tinapos nya pa rin ang laro na may perfect KDA na 7/0/8.

Sa final, bumaliktad ang sitwasyon. Sa pagkakataong ito, si Cryin ang naka-Lucian habang Akali naman ang gamit ni ShowMaker. Lamang ng humigit-kumulang 30 CS, sinisiguro nyang mababa lagi ang HPO ni Akali, at hindi sya napitas sa mga gank kahit pa nasa agresibong posisyon sya.

Sa isang extended mid game team fight na nagmula sa mid lane papunta sa top side jungle, pumalag ang Royal Never Give Up sa 3v4 at nanalo salamat sa malinis na mechanics ni Cryin. Habang mababa ang HP, gumamit si Cryin ng Relentless Pursuit para Ilagan nag AoE knock up ni Sion.

Kahit na alanganin ang sitwasyon, nabasa nya ang Akali ni ShowMaker, at nahulaan ang huling Shiriken Flip, na nagresulta sa pagkapanalo ng Royal Never Give up sa overall trade at kinalaunan, ang game one ng best-of-five series.

Nasaan si ‘eStar Cryin’? Ang muling pagsasama ng mid-jungle duo sa Royal Never Give Up.

MSI 2021 ang debut ni Cryin sa international League of Legends esports stage, at ang kanyang unang international championship kasama si Wei.

Ang mid laner at jungler ay kasing husay lamang ng synergy nila sa isa’t isa. Natutunan ito nila RNG Cryin at Wei sa mahirap na paraan.

Pareho silang nagsimula sa kanilang pro player career sa League of Legends Developmental League (LDL) sa Young Miracles noong 2018, nap ag-aari ng dating pro player na si Liu “PDD” Mou. Nakuha nila ang first place ng LDL 2018 Summer (East) regular season.

Kinuha si Cryin ng Royal Never Give Up noong 2019 bilang isang trainee bago magsimula sa kanilang academy roster para sa Summer. Naiwan naman si Wei sa Young Miracles bilang substitute jungler kay Li “XLB” Xio-Long, na kasalukuyan ding sub para sa Royal Never Give Up.

Sa Spring 2020, muling nagsama sila Cryin at Wei sa PDD LPL team na eStar. Nagsimula sila kasama ang top laner na si Yang “Xiaobai” Zhong-He, bot laner na si Zhang “Wink” Rui, na kasalukuyang AD carry ng Invictus Gaming, at dating Flash Wolves suppor na si Liu “ShiauC” Chia-Hao.

Malaking ingay ang ginawa nila sa season na ‘yon.

Sa pag-upset sa 2019 World Champions FunPlus Phoenix, at pag-sweep sa Invictus Gaming, mabilis na umangat sa top three ng LPL regular season ang eStar.

Sa eStar, ang average damage dealt ni Cryin para sa kanyang team ay nasa 29.2%, na malaki kumpara sa kanyang Spring 2021 average sa RNG na 26.2%. Kahit na parehong nakatuon sa teamwork at coordination ang dalawang teams, mas maraming pagkakataong mag-carry ang ibinigay kay Cryin sa eStar gamit ang mga champions tulad nina LeBlanc, Kassadin, Corki, at Rumble.

Nagtapos sa fifth place, nag-qualify sa playoffs ang rookie team pero dinurog sila ng Team WE sa score na 1-3 sa unang round.

Matapos ang dalawang taon mula noong sa eStar, muling nagsama sina Wei at Cryin upang patunayan na ang duo na ito ang kailangan ng Royal Never Give Up para maka-synergize ni Xiaohu sa top, at nina Shi “Ming” Sen-Ming at GALA sa bot para manalo ng championships – ang ikalawang MSI title ng Royal Never Give Up, at maraming susunod pa.