Ang LPL representatives na Royal Never Give Up ang natatanging team na walang talo sa Mid-Season Invitational 2021 (MSI) Group Stage. Pero ngayon sa Day 4 ng Rumble Stage, meron na silang dalawang talo sa record na 6-2, na mas marami kumpara sa DWG KIA na nasa first place.

Ang PCS representatives na PSG Talon ang nagbigay sa Royal Never Give Up ng kanilang unang talo noong Day 3, na sinundan naman ng LCS team na Cloud9 sa Day 4.

Bagamat sabik ang mga League of Legends esports fans na Makita ang Royal Never Give Up na ipagpatuloy ang kanilang perfect streak sa MSI, hindi nababahala si coach Chang “Poppy” Po-Hao sa kanilang mga talo.

“During practice, we definitely do make mistakes,” sabi ni Poppy sa ONE Esports. “When we practice strategies, we will review, so next time, if we meet PSG again or any other team, we’ll have an added layer of understanding the game.”

Ang di pagsama ni head coach Tabe

Dating parte ng academy team, na-poromote si Poppy sa LPL para sa 2021 Spring season. Naglalakad sa stage tuwing picks at bans na suot ang kanyang classic na midnight blue suit dala ang kanyang notebook, sya ang in charge sa regular season.

Kasama nya ang naka-cobalt suit na si head coach Wong “Tabe” Pak Kan, na hindi makakasama sa kanila sa MSI sa Iceland dahil sa passport issues.

League Of Legends LPL Spring2021 Royal Never Give Up champions trophy
Credit: Royal Never Give Up

“When I heard about the news for the first time, when we found out that he couldn’t go to Iceland, to us it was a big loss,” sabi ni Poppy.

“For me personally, it was a big challenge. During the regular season I did my best — until the first round of playoffs when we lost to FunPlus Phoenix. After that, Tabe helped a lot and took care of things.”

Dito sa MSI 2021, pinapahalagahan ni coach Poppy ang kanyang solo experience habang si Tabe ay nagko-coach mula sa malayo, at ginagamit nya ito para ma-practice ang kanyang mga natutunan.

Ang pagtulong sa Royal Never Give Up na mag-adapt sa meta at format ng MSI 2021

Hindi madali ang trabaho ni Poppy.

“Maybe in the Group Stage we were ahead in terms of understanding the meta,” sabi ni coach Poppy. “In the Rumble Stage, you can see that all the teams are more or less the same in terms of understanding.”

Sa unang talo ng Royal Never Give Up sa PSG Talon, napansin nya na ang pagkakamali nila ay nasa team composition, kung kaya’t nag-adjust sila sa sumunod nilang laro laban sa Pentanet.GG, kung saan nag-set sila ng pinakamabilis na game record sa MSI 2021 na 18:32.

Ang pag-intindi sa team compositions ang isa sa dalawang strengths na nakikita ni Poppy sa Royal Never Give Up, ang pangalawa ay map control, na palaging binabanggit ng mga English analysts bilang kanilang greatest strength.

“No matter what draft we get, we’ll use our ways to win; whether it’s through teaching or feedback sessions with the players,” sabi ni coach Poppy. “We’re all learning from each other.” 

Para sa kaniya, ang magiging pagkakaiba sa pagitan ng mga teams sa draft phase ay ang kanilang pick priority, na makakaapekto sa kanilang playstyle.

Bilang mga representative ng LPL region, kailangan ding harapin ni coach Poppy ang bagong tournament structure ng MSI 2021, dahil single round robin best-of-three ang format ng Chinese league sa regular season.

Tanggap nya na merong  advantage at disadvantage ang best-of-one format, at naa-appreciate nya na natututo sya sa mga playstyles ng iba’t ibang rehiyon, lalo na dun sa mga hindi pa nakakaharap ng Royal Never Give Up.

“Anything can happen. You may be stronger at first, but if the opponent makes a big move, they will have a chance to win,” paliwanag ni coach Poppy.

“If we do lose to these big moves, the next time we meet, we’ll be more aware of how to play against these playstyles. If our fundamentals are there, it’s not easy for the game to flip around.”

Ang pinakamalaking pagsubok ni coach Poppy, at kung paano sya mag-improve bilang coach

Hindi madali ang mag-coach ng pinakamagaling na LPL team sa buong rehiyon.

Ito ang unang taon ni coach Poppy sa big stage. At ang pinakamalaking pagsubok na kanyang pinagdaanan ay ang makipag-communicate sa mga players.

“You have your own wisdom, so you explain to the players, but you can’t always communicate the ‘how’ very well,” sabi ni Poppy. “In the first place, they’re all very strong players, they’re the LPL’s top players, so they may think that they do not have any issues.”

LeagueOfLegends MSI 2021 RoyalNeverGiveUp Ming
Credit: LoL Esports

Sa bahaging ito ng pakikipag-communicate, inaamin nyang marami syang natutunan. Ganito ang approach nya tuwing practice, sinasabi nya muna sa players kung anong magandang nagawa nila in-game, tapos nagbibigay sya ng data at nagpapakita ng ibang mga aspekto ng laro.

“They’ll think about it, and they’ll think that what you’re saying is reasonable, and why your method is important,” binahagi ni Poppy, na kasulukuyan pa ring natututo sa kanyang role bilang coach.

Bukod sa head coach na si Tabe na lubos nyang nirerespeto, ang head coach ng DWG KIA na si Kim “kkOma” Jeong-gyun ang pumapasok sa isip nya pagdating sa pagiging isang professional coach.

“Depending on the tournament, the most important is to learn how to imitate and have some innovation. If you are able to innovate, like how I remember kkOma during the SKT era, they innovated non-stop until they became number one in the world,” sabi ni coach Poppy.