Sa pagbubukas ng kwento ng Runeterra, gayun din ang Riot Games merchandise line, at ng ating mga wallet. Hindi lang ang mga mandirigma ng kabutihan ang tampok sa Sentinels of Light collection kundi pati na rin ang mga kampeon ng Ruination.

Kitang-kita ang bangis ng hari ng Ruination sa Viego Unlocked Statue

Tampok sa collection ang Viego Unlocked Statue, ang pangunahing kontrabida kwento ng Ruination at Sentinels of Light.

Si Viego ang dahilan ng Ruination, ang resulta ng kanyang pagsubok na ibalik ang yumao nyang asawa. Sa paggamit ng ipinagbabawal na mahika, namatay sya sa kamay ng espirito ng kanyang asawa, at naging isang wraith.

Pero nais nya pa ring buhaying muli ang kanyang asawa. Sa tulong ng kanyang hukbo, naghahasik sya ng lagim sa Runeterra at nilikha ang Ruination.

Sa taas na 11.3 inches at lapad na 6.3 inches, ang Viego Unlocked Statue ang number 19 sa collection. Kabilang ito sa linya ng mga Unlocked Statues tampok ang mga sikat na champions tulad nina Ashe, Jhin, at Miss Fortune.

Sa nangingitim nyang mga mata, lubog pero gwapong mukha, kuhang-kuha at buhay na buhay ang Ruined King sa Viego Unlocked Statue na ito. Bawat kurba ng kanyang baluti, hanggang sa kanyang pantalon ay kasama sa disenyo.

Pati ang abs ni Viego at ang sugat sa kanyang dibdib kung saan sya nasaksak ay kuhang-kuha rin.

Tandaan, kung wala sya, wala rin ang Sentinels of Light, dahil hindi magkakaroon ng mga bida kung walang kontrabida. Kung ganun, parangalan mo ang nag-iisa at totoong hari sa pamamagitan ng pag pre-order ng Viego Unlocked Statue, na inaasahang lalabas sa September 30.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magbebenta ang Riot Games ng artisan keycaps

Ang pangalawa sa pinaka astig na aspeto ng Sentinels of Light merch collection ay ang Sentinels of Light artisan keycap at Viego artisan keycap.

Isang bagong produkto sa merch line ng Riot, ang Sentinels of Light ketcap ay hango sa disenyo ng Sentinels Light Crest, habang ang kay Viego naman ay nagpapakita ng kanyang signature na three-stroke crown.

Ayon sa Riot, hand painted at assembled ang mga keycaps na ito, at translucent din ito para makita ang RGB ng keyboard mo. Gawa sa photopolymer resin, ginawa ito sa pakikipag-collaborate sa Clackeys, at compatible sa mga Cherry MX switches.

Para sa mga League of Legends fans na mas gustong pumanig sa liwanag, meron ding Rise of the Sentinels Chapter 1 Art Poster at meron din si Akshan, ang pinakabagong champion ng League of Legends. Para naman sa mga naniniwala sa Ruination, huwag palampasin ang napaka-cute na Gwen Plush.

LeagueOfLegends RiotGamesMerch SentinelsOfLight collection
Credit: Riot Games

Narito ang price list ng Sentinels of light collection:

  • Viego Unlocked Statue — US$75
  • Gwen Plush — US$32.50
  • Sentinels of Light Artisan Keycap — US$65
  • Viego Artisan Keycap — US$65
  • Rise of the Sentinels Chapter 1 Art Poster — US$22
  • Akshan, The Lost Sentinel Premium Poster — US22

Mabibili ang Sentinels of Light collection sa official merch store ng Riot Games.