Hindi maitatangging si Kim “River” Dong-woo ng PSG Talon ang pinakamagaling na Jungler sa Pacific Championship Series (PCS).
Numero uno si PSG Talon River sa KDA na may 7.8, kasama pa ang 536 DPM. Dala ng mahusay niyang pagpapakita sa torneyo, maraming miron ang nagpapalagay na nalampasan na niya sina Hsiao “Kongyue” Jen-Tso ng Hong Kong Attitude’s (HKA) at Chen “Hana” Chih-Hao ng J Team.
Sa pinakahuling talaan, mistulang siya lamang ang nag-iisang jungler sa rehiyon na may solo carry potential, gawa ng inilista niyang halimaw na 24.0% damage para sa kaniyang team.
Paano nagsimula ang karera ni PSG Talon River sa PCS
Sa una niyang biyahe sa League of Legends Master Series (LMS), rookie jungler pa lamang si River para sa ahq eSports Club na nasa gitna ng kanilang rebuilding.
Naging malaking hadlang sa pagsibol ng kaniyang karera ang kakulangan ng experience at hindi matatag na working environment sa dati niyang team. Kaya naman matapos lamang ang limang laro ay tapos na ang biyahe niya sa LMS.
Sa kaniyang pagbabalik sa PCS region kasama ang Talon, alam ni PSG Talon River na marami siyang dapat patunayan. “When I first joined the PCS in 2020, I thought I was lacking in all areas, so I tried my best to get better,” ani ng batang jungler.
Nagsimula ang tahakin niyang mapahusay ang kaniyang gameplay sa pag-aaral ng Chinese. “In 2020, the biggest problems for me were language and communication. I knew those problems wouldn’t go away, so I studied Mandarin on my own as well,” ani ni River.
Naging susi ang kaniyang abilidad na magsalita ng Mandarin para makipagkapwa sa kaniyang mga teammates. “Since I’ve gotten a little better at Mandarin, I’ve become closer with my teammates and I think they trust me a bit more inside the game.”
Dagdag niya, “Before, I could only communicate inside the game, but now I can communicate with them outside the game and hang out with them on vacation days.”
Banggit ng jungler, malaki ang utang na loob niya sa kaniyang mga teammates at coaches sa kaniyang pagyabong bilang isang pro player. Partikular dito ang ambag ng mid laner nilang si Huang “Maple” Yi-Tang na gumanap bilang mentor sa kaniya.
“Maple has been a great player his whole career and has a lot of experience playing in the LPL. I learn a lot from him and we talk a lot about the game,“ paliwanag ni River.
Ang PCS Summer 2021 Playoffs
Sa meta ngayon kung saan ang mga solo lane Bruisers ang namamayagpag at rift heralds ang nagdidikta ng early game decision-making, malaki ang gagampanan ni River sa map play at tempo control ng PSG Talon. Totoo ito hindi lamang ngayong PCS Summer Playoffs kundi sa posibleng pagsali nila sa Worlds.
Malaki ang ginampanan ni River sa pagbalagbag nila kontra sa J Team sa Round 2 ng Playoffs. Nilaglag nila ang kalabang kupunan sa mabilis na 3-0 sweep para umangat sa World quota matchup. Kakalabanin ng PSG Talon ang Beyond Gaming sa August 27 para iselyo ang puwesto sa Grand Finals.
Panoorin ng live si PSG Talon River at ang kaniyang kupunan sa official PCS Twitch channel.