Ang article na ito ay mula kay Robin Lin, isang content creator para sa Talon Esports


Hindi na bago kay PSG Talon Chiu “Doggo” Tzu-Chuan ang tumuntong sa di pamilyar na teritoryo.

Ang 18-taong gulang na ADC ay unang naglaro sa kanyang unang professional split bilang miyembro ng PCS squad na Beyond Gaming itong taong ito, kung saan dalian syang naging komportable.

Sa PCS 20201 Spring Split, sumikat sya hindi lang bilang pinakamagaling na player sa kanyang team, kundi isa rin sa mga pinakamagaling na players sa buong rehiyon.

LoL PCS PSGDoggostats
Image credit: PSG Talon

Sa kabila ng pagkatalo sa PCS powerhouse na PSG Talon sa Spring Split Finals, naging kinatawan pa rin si Doggo ng kanyang rehiyon para sa Mid-Season Invitational nang hindi maka-attend ng tournament ang PSG ADC na si Wong “Unified” Chin Kit dahil sa problema sa kaniyang kalusugan, at si Doggo ang napiling pumalit dito.

Masigasig si Doggo na patunayan ang sarili sa international stage. “When I heard the news [of being called as a substitute], I immediately started packing my bags. As the substitute for Unified, I am fortunate to be playing with such good players.”  

Pag-adjust sa mga bagong teammates

Dahil ito ang unang beses na maglalaro si Doggo para sa PSG Talon, importante ang mabilis na pagbuo ng relasyon at chemistry sa kanyang bagong team.

May pahayag si PSG Head Coach Kwon “Helper” Yeong-jae tungkol sa sitwasyon na ito, “We knew about Doggo before and he was one of the key members of Beyond Gaming. So we weren’t really worried about his skill set, we just want to integrate him into the team as much as possible.”

Nang tanungin naman si PSG Support Ling “Kaiwing” Kai Wing tungkol sa pakikpaglaro kay Doggo, “His play style is extremely aggressive and we are trying to find a comfortable fit. Fortunately, I think the last few days of practice was sufficient.”

LoL MSI2021 PSGTalon Doggo
Doggo is learning at an impressive rate alongside veteran support Kaiwing
Credit: PSG Talon

Sa kabila ng hindi magandang simula sa MSI kung saan tinalo sila ng LEC representatives na MAD Lions, mabilis na nakapag-adjust si Doggo sa kaniyang team, at naging mahusay na carry sa mga sumunod na laban sa Group B. At nakapag-qualify ang PSG Talon sa Rumble Stage bilang pangalawang seed sa kanilang group.

Pagharap sa masmahirap na laban

Sa Rumble Stage, haharapin ni Doggo ang ilan sa mga pinakamahusay na bot lane talents sa buong mundo. Ang ADC na si Jang “Ghost” Yong-jun at support na si Cho “BeryL” Geon-hee ng Damwon KIA ay mga world champions. Ang ADC na si Chen “GALA”  Wei at Support na si Shi “Ming” Sen-Ming ng RNG ay kilala bilang top 2 LPL bot lane.

Kung ang tagumpay ng PSG ay nakabase sa kanilang mid at bot lane play, kakailanganin ni Doggo na pumalag laban sa mga world-class na kalaban para magtagumpay sila sa Rumble Stage.