Habang papasok na ang 2021 LCS Summer season sa LCS Championship Playoffs, hindi na maipagkakaila ang katanyagan ng Evil Geniuses sa nasabing North American league.
Nakabawi ang koponan mula sa 0-3 nilang panimula ngayong Summer, at nahanap ang consistency sa kalagitnaan ng season matapos magtala ng eight-game win streak kontra sa mga team gaya ng 100 Thieves at Cloud9.
Naniniwala ang head coach ng EG na si Peter Dun na nahanap na ng koponan ang kanilang balanse salamat na rin sa promotion ni Kyle “Danny” Sakamaki.
Ang panalo ng Evil Geniuses vs Spring champions na Cloud9
Noong ikasiyam at huling linggo ng Summer, muling nagharap ang EG at Cloud9. Importante ang naging bakbakan dahil dito nakasalalay ang pagkakataong mapasama ng EG sa top three.
Nagawang tikisin ng EG ang mga agresibong atake ng Cloud9. Kahit pa nahuli ng Yasuo ni Luka “Perkz” Perkovic at Diana ni Robert “Blaber” Huang si Danny bandang 24-minuto ng laro, nagamit nito ang Stopwatch ni Aphelios para ma-stall ang atake ng kalaban.
Nang makapag-Flash ito palayo sa gulo, muling bumalik si Danny sa bakbakan para pitasin si Blaber. Nag-follow up ang Twisted Fate ni Daniele “Jiizuke” di Mauro ng perpektong Gold Card kay Perkz para matulungan si Danny na maka-Double Kill.
Mahalaga ang naging role ni Jiizuke para ma-maintain ng EG ang map control. Na-utilize niya nang maayos ang Destiny para makagala sa mapa.
Nang subukan ng Cloud9 na mag-rotate upang i-punish ang Gnar ni Jeong “Impact” Eon-young, Nagpatuloy sa pag-split push si Jiizuke sa top lane upang mabasag ang ikalawang inhibitor ng laro.
Tinapos ng EG ang laro salamat sa tulong ng isang play sa may mid inhibitor.
Matapos ma-bait ang Moonfall ni Diana, pumasok sa gera ang Mega Gnar ni Impact gamit ang Crunch, tsaka nag-Gnar! para ihampas ang duo ng Cloud9 sa pader. Habang abalang pinitas ng ibang EG players ang tatlong miyembro ng kalaban, nirekta na nila ang Nexus para maselyo ang panalo.
Tinapos ng EG ang 2021 LCS Summer sa ikatlong puwesto matapos magtala ng dalawang panalo sa huling linggo ng regular season para ma-seed sa upper bracket ng LCS Championship.
Preseason bootcamp, key factor sa tagumpay ng EG sa 2021 LCS Summer
Nang tanungin tungkol sa malupit na performance ng koponan ngayong Summer, nabanggit ni Peter Dun na mas nagkaroon na siya ng oras para maging onsite kasama ang EG. Noong Spring kasi, nagkaproblema ang head coach sa pagta-travel kaya’t na-delay ang kanyang paglipat sa US.
Mas maayos ang naging approach ni Peter Dun ngayong 2021 LCS Summer dahil kasama na niya ang koponan simula pa sa simula. Inaalala niyang ang tatlong linggong preseason boot camp nila ang isa sa pinakamalaking upgrade para sa team.
“Being there for the preseason was important because that’s where we put our fundamentals in place, which are helping the team to find success right now,” banggit ng head coach ng EG na si Peter Dun.
Peter Dun: ‘Danny is a star rookie’
Ang 2021 LCS Summer ay ang kauna-unahang pro split ni Danny, pero hindi ito naging hadlang para niya pangunahan ang liga sa total kills (111). Dahil sa naging impact niya sa kabila ng maiksing panahon, kinilala ito ng EG head coach bilang top player kagaya ni Victor “FBI” Huang ng 100 Thieves.
“I’ve been surprised in a good way,” pahayag ni Peter Dun. “He’s just playing the game and not the nameplate. If he keeps improving as a rookie, there’s no limit to how far he can go.”
Dagdag ng head coach, ang kapansin-pansing improvement sa kaniyang playstyle ay dahil na rin sa effort nito tuwing may one-to-one sessions sila kasama ang coaching staff at players.
Ni-refine ng Bot lane partner niyang si Lee “IgNar” Dong-egeun ang playstyle ng rookie noong unang tatlong linggo ng 2021 LCS Summer. Dahil sa nabuong chemistry ng duo, sinabi ni Peter Dun na napalakas nito si IgNar bilang roaming support.
“What makes Danny really stand out is that he now has his own ideas, and he’s not afraid to bring those ideas,” saad niya. “I think it’s a mark of respect for the rest of his teammates that even though they’re veterans, they’re willing to listen to his ideas.”
Ang role ng mediator sa team na may vocal players gaya ni Impact at Jiizuke
Pinaliwanag din ni Peter Dun kung paano nire-review ng EG ang kanilang gameplay. Dahil sa pagiging vocal nina Jiizuke at Impact, madalas na nagiging mediator ang head coach para masigurong healthy ang magiging diskusyon.
Nabanggit din ng head coach na fan sila ng ibang competitive scene, gaya ni Jiizuke na sinusubaybayan ang LPL, at si Impact sa LCK. Dahil sa dalawang perspective sa gameplay na nakukuha nila, nagsisilbing “fire and ice” ang dynamic ng dalawa pag dating sa reviews.
Bagamat walang problema sa paghayag nina Jiizuke at Impact ng kanilang saloobin, sinisiguro pa rin ni Peter Dun na nakatutulong sa buong team ang 25-minuto nilang scrim reviews.
“In a team that has Jiizuke and Impact, it’s important for me as a coach to make sure the quieter voices are heard,” kuwento ni Peter Dun. “I get information from those players in one-to-one sessions and make sure they get their say in future reviews.”
Masusubaybayan ang kampanya ng EG sa 2021 LCS Summer postseason sa opisyal na LCS Twitch at YouTube channels.