Si Peter Dun, ang head ng League of Legends coaching staff sa Evil Geniuses, ay isang self-made esports coach na walang experience bilang pro player.
Nagsikap siyang gumawa ng sariling landas papasok sa industriya, una sa pag-volunteer na gumawa ng mga ad hoc esports work habang nag-aaral pa siya sa China noong lumalaki pa lang ang pro scenes ng League of Legends at Dota 2.
Doon, nakapag-develop siya ng sariling methods sa pagii-scout at pagre-review, hanggang sa tuluyan niyang mahasa ito salamat sa pagsisilbi bilang coach ng iba’t-ibang koponan mula sa iba’t-ibang mga rehiyon.
Ngayong may higit sa isang dekadang na siyang experience sa League of Legends bilang coach ng iba’t-ibang pinakamagagaling na players, ibinahagi ni Peter Dun sa ONE Esports ang tatlong values na kanyang sinusunod hanggang sa ngayon.
3 values na sinusunod ni EG head coach Peter Dun sa pagko-coach ng esports pro players
Respeto
Kapag sumasali sa isang koponan si Peter Dun, lalo na kung binubuo ito ng mga beterano, inaasahan niyang siya ay susubukin.
Para sa kanya hindi ito “bad thing” dahil naniniwala siya na “[it’s] good to have a healthy mistrust in authority.” Syempre, hindi ibig sabihin nito na palaging matahin o pintasan ang kinauukulan. Imbis, isa itong paraan para masiguro na ang isang tao ay qualified sa kanyang posisyon.
““For example, when the new team has Kasper ‘Kobbe’ Kobberup or Raymond ‘kaSing’ Tsang – they were on Splyce when I first joined – or Gabriel ‘Revolta’ Henud Cresci in Brazil, or Jeong ‘Impact’ Eon-young in North America, the first few weeks are really tough,” kwento ni Dun.
“For me, this is the weakness in my profile because I’m not a famous ex-player like Jakob ‘YamatoCannon’ Mebdi,” paliwanag niay. “When Wong ‘Tabe’ Pak Kan was in Brazil, he had a higher ELO than all of his players.”
Sa katotohanan, dalawang League of Legends champion lang ang nalaro ni Peter Dun sa kanyang buhay: Janna at Cho’Gath noong Season 2 pa.
“I have a running joke where I say I’m an Iron II coach because my account is currently in Iron II,” saad niya habang tuamtawa. “It decayed after many, many years.”
Dahil wala naman siyang experience bilang pro player, naniniwala siya na dapat makatulong siya sa ibang paraan, ngunit meron itong advantages at disadvantages.
“For a coach with no pro player background like me, if you make too many mistakes, it’s lost. You’ll never recover that trust again,” aniya.
Research
Ang pagbuo ng tiwala bilang coach ay nangangailangan ng malalim na pag-unawa sa League of Legends.
Para kay Peter Dun, hindi pwedeng hindi siya papasok sa isang season na hindi hanad. Bilang coach, buhay na niya ang League of Legends. Kahit tapos na ang oras ng trabaho, manonood pa siya ng League of Legends Pro League (LPL) ng China sa alas dos ng madaling araw habang kumakain ng hapanunan. Nagagawa pa niyang gumising nang maaga kina-umagahan.
Nariyan ang coach para magbigay ng impormasyon na kakailangan ng pro players. Bagamat alam niya sa sarili niyang hindi niya kaya ibigay ang tamang sagot parati, inaasahan niyang kaya niyang magbigay ng halimbawa kahit saan mula sa pagitan ng 10 hanggang sa 25 koponan, himayin ang kalakasan at kahinaan nila, paano sila mag-set up sa dragon, paano ang macro play nila, anong ang ealry game strategies nila, maging ang jungler paths ng mga ito.
Kaya niya rin ipaliwanag kung paano ini-interpret ng iba’t-ibang coaches mula sa iba’t-ibang rehiyon ang kasalukuyang League of Legends meta. Kapag nakuha na niya ang lahat nang ito, saka pa lang siya magiging handa para makipagdiskurso sa kanyang koponan.
Bukod dito, sinusundan niya rin ang bawat player sa bawat scrim na mapapanood niya gamit ang isang Excel sheet na sinimulan niya noong 2016 habang nasa INTZ.
“I had in my notes: ‘Caps, likes to int in scrims but could be a pretty decent player’,” pag-alala niya. ‘Yan ay noong nakipag-scrip ang INTZ kontra 16-taong-gulang na Rasmus “Caps” Borregaard Winther bago pa ang kanyang professional debut. Sa ngayon, tila propesiya ang naging talang ito.
Kahit offseason, bumubuo si Peter Dun ng reading list at ma-discuss ang mga ideya na nilalaman ng mga ito sa iba. Nakikipag-argue siya tungkol sa politika o mga coaching theory para mapanatiling matalas ang kanyang pag-iisip.
Kapag nasa Germany siya, dadalaw siya sa mga unibersidad at makiki-sit in siya sa mga debate society.
“The threat of intellectual ridicule of a British person is a really good way to motivate yourself,” pabiro niyang sabi.
Sinisiguro niya rin na makipag-ugnayan sa mga amateur team sa Europe o Brazil tuwing offseason ng League of Legends ang mag-volunteer na magtrabaho kasama sila sa loob ng isa o dalawang linggo habang sumasabak ang mga ito sa mga local tournament.
Ginagawa niya ang mga ito para mapanatiling fresh ang kanyang pagko-coach bago “[mag-transition] from not thinking about League of Legends for two months” papunta sa pagbabalik at paghahanda para bootcamp kapag nagsimula na ang bagong season.
Responsibilidad
Para kay Peter Dun, ang tagumpay o kabiguan ng isang koponan ay parating responsibilidad ng coach.
““It takes somewhere between six months and 15 months, maybe 24 months with certain players, to teach them everything I know about the game,” sabi ni Dun.
Kumpara sa traditional sports, kung saan umaabot ng taon para makapagsalin ng impormasyon sa mga player, patuloy ang pagbabago ng League of Legends kada patch. Kaya imbis na turuan ang mga player ng mga bagay na subok na, ang paraan ng pagiging responsable ni Peter Dun ay “equipping them to think for themselves”.
Ibig sabihin nito ay dapat iba ang approach sa bawat pro player. Halimbawa, ang pagko-coach sa isang rookie gaya ng bot laner ng Evil Geniuses na si Kyle “Danny” Sakamaki ay ibang-iba sa pagko-coach sa beteranong top laner na si Jeong “Impact Eon-young.
Sa mga one-on-one session, sinisigurado ni Peter Dun na sila ay nagdidiskurso at nagpapalitan ng ideya. Nagdadala siya ng mga VOD ng ibang League of Legends players at ipinapapanood niya ito sa mga player. Halimbawa, manonood siya ng walong pro player na nasa LeBlanc kontra Syndra na matchup, pag-aaralan niya ito nang lubusan, saka niya dadalhin ang apat sa mga ito sa kanilang mid laner para pag-usapan kung alin sa mga ito ang pinakamaganda at kung anong gagawin niya sa sitwasyon ito.
Bukod sa pagpasa ng in-game knowledge, sinisigurado rin ni Peter Dun na magkaroon ng mabuting team dynamics, hindi lang mula sa perspective ng coach, kung hindi maging sa player.
“It’s about helping players communicate. It’s not enough for you to be right all the time in a group discussion if you can’t persuade your teammates that you’re right,” paliwanag ni Dun.
Isang partikular na libro na nire-recommend ni Peter Dun sa mga coach ay ang “Never Split the Difference: Negotiating As If Your Life Depended On It” nina Christopher Voss at Tahl Raz. Tuwing one-on-one session niya kasama ang ibang coaches ng Evil Geniuses, magdi-discuss sila ng isang chapter mula sa non-esports perspective, tsaka nila ire-review kung paano ito maa-apply sa esports.
“James ‘Mac’ MacCormack said it best himself — if I haven’t taught you everything I know about the game within 12, maybe 15 months, either you’re not trying hard, you’re not learning very well, or I’m not a very good coach,” saad niya.
“He jokes about it, but he probably means I’m not a very good coach, I’m not teaching the player in the way that they can learn. I agree with that philosophy.”
I-follow si Peter Dun at ang Evil Geniuses sa Twitter.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.