Maaring tapos na ang run ni Pentanet.GG Pabu at ng kaniyang team sa 2021 Mid-Season Invitational (MSI) Rumble Stage, pero tumatak sila sa kasaysayan bilang kauna-unahang Oceanic team na nakalabas ng Groups sa isang international League of Legends esports tournament.

Sa record na 1-9, ang kaisa-isa ngunit di basta-basta nilang panalo ay laban sa LCS representatives na Cloud9, ang isa pang team na uuwi matapos ang Rumble Stage.

Ikinuwento ni Pentanet.GG Pabu ang scrim situation sa MSI

Nakakatakot pumasok sa MSI bilang representative mula sa isang minor region. Kadalasan, ang mga minor region teams lang ang naglalaban-laban para mag-practice imbis na makakuha ng exposure laban sa mga major region teams.

LeagueOfLegends MSI 2021 Pentanet.GG Pabu
Credit: LoL Esports/Riot Games

“We did predominantly scrim minor region teams, but we had more than our fair share of major region teams,” Pentanet.GG jungler Jackson “Pabu” Pavone told ONE Esports.

“I was extremely surprised that we got to scrim better teams. It was pretty eye-opening for a lot of things inside the game.”

Paano nakapag adapt ang Pentanet.GG sa MSI meta?

Bukod sa pagbuhos ng lahat ng kanilang makakaya, nakipagbuno rin ang mga minor teams sa MSI 2021 meta na may malakas na impluwensya ng mga major regions, base sa patch 11.9.

Kung babalikan natin ang kasaysayan, ang mga minor region teams na nagdadala ng upsets ay yung mga hindi nagpapadala sa bagong meta at gumagamit ng gameplay mula sa kanilang rehiyon. Isang magandang halimbawa ay si Kirill “Likkrit” Malofeyev ng Albus NoX Luna, na sumikat dahil sa kanyang signature Brand support sa Worlds 2016.

Tungkol sa pag-adapt ng kanyang team sa MSI 2021, ipinaliwanag ni Pabu na sinubukan nilang pagsamahin ang kanilang kinasanayan at ang bagong meta, dahil may ibang playstyles at champions na nahihirapan silang labanan at gamitin nan aka-impluwensya sa kanilang pag-draft.

“Our game against Cloud9, we played Senna, Tahm Kench, Viktor — that’s a very standard, outrange, defensive composition that is hard to beat if you don’t draft properly,” paliwanag ni Pabu.

“That’s right up our alley. We’re super comfortable on all those champions, and 5v5 team fighting is a strength of ours so when that presents itself, we take it.”

Minsan, nanggugulat ang Pentanet.GG sa mga draft tulad ng Zed at Qiyana mid, minsan pa nga ay Urgot at Yorick para sa top.

Kahit na sa tingin ni Pabu ay magandang champions ang mga ito, sang-ayon sya na hindi sila kapantay ng mga meta favorites. Pero ipinagmamalaki pa rin ng team na ginamit nila ang kanilang mga sariling champion pools.

“We played Lucian-Braum today and solo boloed the Damwon KIA bot lane even. You wouldn’t expect that one to happen,” sabi ni Pabu.

Ang pagbabalik ni Pentanet.GG Pabu sa Oceania na may matibay na pananalig

Sa pag-eempake ni Pabu, isang bagay ang sigurado – hindi lang puro damit ang kanyang iuuwi, kundi mga makabuluhang aral na dadalhin nya pabalik ng Oceania.

Maaring naghari ang Pentanet.GG sa League of Legends Circuit Oceania (LCO) Split 1, pero napagtanto ni Pabu na naging kampante ang team, dahil napakadali sa kanila ang manalo at walang bago sa kanilang playstyle.

At kahit na gumana ang ganitong style laban sa Cloud9, nagpaliwanag pa rin si Pabu, “Good teams push teams really hard. And they end the game if you’re not playing properly, so I will do to Oceanic teams what RNG does to us.”

“I can be the RNG of OCE. We can definitely force the region to level up, or force the region to lose in ten minutes. I want to play really hard, and play really fast, and punish everything I see in OCE until people learn.”