Importante para sa mga top laner ang League of Legends patch 11.15 matapos bigyan ng Riot Games ng buff ang mga ability ni Kennen, habang ang inaasahang nerf naman ang inabot ni Gwen.
Sinubukan ng game developers na aksyunan ang pagiging out-of-meta ng mage champion kaya’t pinalakas nila ito sa pinakabagong update.
Ang buff kay Kennen sa LoL Patch 11.15
Q – Thundering Shuriken
- Pinataas ang damage mula sa 75/115/155195/235 (+75% AP), ngayon ay 85/130/175/220/265 (+80% AP) na.
Bagamat isang ability lang ni Kennen ang pinalakas sa LoL patch 11.15, malaki na ang mababago nito sa kung paano lalaruin ang champion.
10 damage ang itinaas ng Thundering Shuriken sa level one, at hanggang 30 naman sa max level. Bukod dito, pinataas din ang pag-scale ng AP nito nang 15%.
Imbis na unang i-max ang W nitong Electrical Surge, mas sulit nang i-prioritize ang levels ng Thundering Shuriken dahil sa nasabing damage buff. Mas madali na rin makaka-harass sa lane si Kennen bilang ranged AP top lane champion dahil sa mababang cooldown ng naturang ability.
Bagamat hindi masyadong sikat sa solo queue, lumalabas naman ang champion sa mga laban sa LPL. Ginamit ito ng top laner ng FunPlus Phoenix na si Jang “Nuguri” Ha-gwon laban sa Gnar ng Ultra Prime. Pinangtatapat din siya sa Gwen at Nocturne.
Ang nerf kay Gwen sa LoL Patch 11.15
E – Skip ‘N Slash
- Pinababa ang bonus attack speed mula sa 40/50/60/70/80%, ngayon ay 20/35/50/65/80% na.
Malaking problema ang 20% na ibinaba sa bonus attack speed ng Skip ‘N Splash sa level one dahil para na itong isang buong item. Kahit parehong 80% pa rin ang bonus attack speed sa max level, tiyak na nerfed ang fighter na champion sa early hanggang mid game.
Kahit una pa i-max out ang level ng Q niyang Snip Snip! at isunod ang E, ang mga extra auto attack na kanyang ipapalo para makapag-proc ng Conqueror stacks ay hindi na magiging kasing reliable sa laning phase katulad dati.
Sa kabuuan, mas mabuting iwasan nang i-blind pick si Gwen dahil mas marami nang champion ang kayang tumapat sa kanya sa lane lalo na sa early game.
Matatagpuan ang buong LoL patch 11.15 notes dito.