Para sa LCS representatives na Cloud9, Maganda ang kinalabasan ng 2021 League of Legends Mid-Season Invitational (MSI) group stage.
Kasama ang strategic coach na si Alfonso “Mithy” Aguirre Rodriguez, maganda ang naging run ng C9 sa ikalawang round robin, kaya’t nakuha nila ang ikalawang slot sa Group C na may 4-2 record.
Ang pagtawid sa MSI kasama si Cloud9 Mithy
Tungkol sa malaking improvement ng Cloud9 sa huling araw, naniniwala si coach Mithy na ang pag-unawa sa patch 11.9 meta ay di naiiba sa ibang meta.
Habang ang head coach na si Kim “Reignover” Yeu-jin ay nagko-coach mula sa malayo, pinag-aaralan pa rin ng team kung aling priority picks at team composition ang magiging epektibo.
“The first week was rough, and we didn’t have the best read on what worked for us,” sabi ni Cloud9 Mithy. “It’s been a process, but I’m just happy that we managed to pull through this second week, and we have a shot at the Rumble Stage.”
Anong masasabi ni Cloud9 Mithy sa performance ng team
Nang mapag-usapan ang squad, binanggit ni Cloud9 Mithy ang power duo nina Jesper “Zven” Zvenningsen at Luka “Perkz” Perković, at kung paanong ang experience nila sa G2 Esports ay nakatulong kay Perkz para mas madaling makapag-adjust sa C9.
“It’s probably easier for them to talk to each other and figure things out,” paliwanag ni Cloud9 Mithy. “Though a few years have gone by, the important thing is the mutual respect they have for each other, and the trust that they can achieve great things together.”
Dinetalye din ni Mithy ang first-time jitters ni Robert “Blaber” Huang bilang starter ng C9 sa international stage, at sinabing ang ibang mga laro nya ay dahilan ng sunod-sunod na pagkukulang. Mula nung hindi makuha ng C9 jungler ang parehong Scuttle Crabs sa unang match laban sa DWG KIA, nahirapan na itong makawala sa ‘jungle diff’ mindset.
“He just needs to get a bit comfortable,” sabi ni Mithy. “When the stakes are a bit higher in the Rumble Stage, I’m sure he’ll do more than well.”
Hindi para kay Cloud9 Mithy ang best-of-one
Dahil sa bagong format ng MSI na may 66 best-of-ones sa pagitan ng 11 teams, ipinahayag ni Mithy na ayaw nya sa ganitong match format.
“I’m not a fan of best-of-ones,” paliwanag ni Mithy, “I understand it’s good for viewership, but I don’t think they represent League of Legends as a whole.”
Sa kabila ng kaniyang opinion, naiintindihan niya na ang layunin nito ay magkaroon ng magagandang kwento tungkol sa mga minor region teams at potential upsets laban sa mga paboritong teams tulad ng DWG KIA at Royal Never Give Up.
At dahil nakikita niyang paliit ng paliit na ang skill gap sa pagitan ng mga liga, inamin ni Mithy na maganda ang maidudulot ng best-of-one format kung magpapatuloy ang pagbibigay ng exposure at opportunities sa mga teams na mula sa mga hindi masyadong sikat na rehiyon.
Aprubado ni Cloud9 Mithyang pagpasok ng mga LATAM players sa LCS
Bilang isang Spanish-speaking member ng League community, pinuri ni Mithy ang magandang ipnapakita ng mga LATAM players sa MSI at sa mga rehiyon tulad ng LCS.
Sa kabila ng paglalaro ng mga LATAM players sa NA servers na may mataas na ping, ang partidang ito ang magiging lamang nila pagdating sa LCS.
“I’m just super happy if this happens. I’d be excited if more of the players came over,” sabi ng C9 coach.
Haharaping ng Cloud9 ang Royal Never Give Up sa May 15, hating-gabi GMT+8 sa MSI Rumble Stage.
Mapapanood ang laban sa official Riot Games Twitch channel.