Iniisip niyo din ba kung sinong League of Legends champion ay may nagtatala ng pinakamaraming pentakills sa ranked gameplays? Nasa bot late ang sagot.
Nagpupunyagi ang mga Samira mains
Ibinunyag ng Riot Games na ang marksman champion na si Samira ang may hawak ng pinakamaraming pentakills sa League of Legends. Kasama sa bilang ang Ranked Solo/Duo games para sa patch 11.11.
Sa rate na 0.018 pentakills per game, pinakamaaasahan ang bot laner na ito kung gusto mong punitin ang limang players ng kalaban sa mabilis na paraan.
Hindi malayo sa bilangan ang champions na sina Master Yi at Katarina na mayroong 0.018 at 0.015 pentakills per game ayon sa pinakabagong release ng Ask Riot.
Hindi rin kagulat-gulat na ang mga enchanter at tank-type supports tulad nina Soraka, Braum, Rell at Taric ay walang naitalang pentakills sa sample na ginamit.
Ibang usapan naman sa ARAM
Sa All Random, All Mid (ARAM) naman, lahat ng League of Legends ay may naitalang pentakills.
Nagbubunyi ang Master Yi mains sa ARAM kung saan nagtala ang champion ng 0.082 per game, na sinundan naman nina Samira (0.071) at Katarina (0.054).