Ang Middle East North Africa region, o mas kilala sa tawag na MENA ay isang grupo ng mga bansa na napapagitnaan ng Asia, Africa, Europe. Binubuo ito ng mga bansang Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Qatar.
Noong 2019, nag-setup ang Riot Games ng kanilang head office sa Dubai upang bigyang daan ang unang official League of Legends tournament sa rehiyon na tinawag na “The Nexus”. Tumakbo ang bakbakan ng tatlong araw at ginanap sa Riyadh, ang kapital ng Saudi Arabia.
Naisakatuparan ito matapos ang sampung taon mula noong unang lumabas ang League of Legends noong 2009. At kahit ganoon ay wala paring sariling servers ang Middle East North Africa region.
Lahat ng player sa Middle East North Africa region ay nasa EU West
Si Mohamed “Rated” Soliman ang jungler ng Anubis Esports na isa sa mga pinakasikat na esports sa Egypt. Nagsimula siyang maging pro sa murang edad na 16-taong gulang, at pinagtiyatiyagaang mag-solo queue at scrimmage sa EU West server sa nakalipas na limang taon. Walang alternatibo kundi ito.
“[The ping] is around 70 to 80 for Egyptians, but for The Gulf and Saudi Arabia, they play with 100 ping,” banggit ni Rated sa ONE Esports. “I played a tournament in Taiwan, the ISEF, on eight ping, and it was an eye-opening experience.”
Sa Southeast Asia, kasama ang Taiwan, ang maagang tambalan ng Garena at Riot ay nangangahulugang ang mga bansang Singapore, Malaysia, Thailand, Vietnam, Philippines at Taiwan ay may nakalaaang servers mula noong 2011 kaya naman mababa ang ping sa mga lugar na ito.
Kahit hindi pa dumadating ang League of Legend servers sa MENA region, may mga servers ng Valorant at Wild Rift sa Bahrain, parehong laro na kakalabas lamang noong nakaraang taon.
Gayunpaman, ayon kay Rated, Leage of Legends pa rin ang may “biggest audience” sa rehiyon.
Popular pa din ang MOBA PC title kahit matunog na ngayon ang mobile games ayon kay Rated
Dominante ang PUBG mobile sa esports eksena sa Middle East Africa region. Hindi kataka-taka na maraming sikat na streamers ang naglalaro ng title na ito dahil sa malaking audience nito.
Ngunit pagdating naman sa competitive eksena, maraming pros ang pumupunta sa League of Legends ayon kay rated. Ganito ang nangyayari kahit pa wala pang slot ang rehiyon sa Mid-Season Invitational, ang pangalawa sa pinakamalaking international League of Legends torneyo taun-taon.
Sa kaniyang bansa, ibinahagi ni Rated na hindi tipikal para sa isang pamamahay na magkaroon ng high-end mobile phone kaya naman hindi kagulat-gulat na hindi rin madalas ang mayroong PC sa bahay. Kaya naman sikat sa lugar nila ang paglalaro sa LAN gaming centers kagaya sa South Korea.
“Going into internet cafes, it’s so popular in Egypt,” sabi ni Rated. “The culture, the social part of PC bangs and internet cafes is so big here.”
Malakas ang suporta ng mga lokal na pamahalaan ng Middle East North Africa region sa esports
Dahil sa patuloy na paglaki ng gaming market, sumasabay ang lokal na gobyerno sa Middle East North Africa region sa pagpapalakas ng eksena sa pamamagitan ng organizationa support at funding.
Kasabay nito, marami ring mga negosyante ang pumapasok sa eksena katulad na lamang ng pinakamalaking telecommunications company sa Egypt na Telecom Egypt na bumuo ng sarili nilang esports team na tinawag na RA’AD noong nakaraang 2020. Kalahok ang kanilang League of Legends team sa nagaganap na IAC 2021 Champions playoffs.
“Even football clubs are making offers to players now because the Egyptian government has taken so much initiative, with support from developers like Riot Games,” ani ni Rated.
Sa katunayan nga, noong unang pumasok ang Riot sa rehiyon noong 2019, tumataginting na US$850,000 ang total prize pool ng The Nexus. Kung paghahambingin, 85% ito ng total prize pool ng 2019 Mid-Season Invitational na US$1,000,000.
Pagkatapos ng pangalawang tournament ng Riot na tinawag na Intel Arabian Cup, mas uminit ang eksena sa rehiyon. Mas maraming investors ang interesadong suportahan ang mga esports teams, ang League of Legends eksena at mga fans nito ayon kay rated.
Magkakaroon na kaya ang Middle East North Africa region ng spot sa Mid-Season Invitational sa susunod na taon?