Hindi lang isa, kung hindi tatlong beses na-buff ang mid lane Seraphine sa League of Legends patch 11.11.
Unang halimbawa ang Surround Sound. Pinalakas ng Riot Games ang shielding power ng champion sa pag-buff ng W nito sa mas mataas na levels.
Take note na hindi masyadong makikinabang ang support Seraphine sa pagbabagong ito dahil kalimitan ay natatapos na ang laro bago pa umabot sa mataas na level ang mga support.
W – Surround Sound
- Base self shield: pinataas mula sa 75-150 (level 1-18), sa 75-225 (level 1-18)
- Base ally shield: pinataas mula sa 50-100 (level 1-18), sa 50-150 (level 1-18)
Habang ipinapakita ang ang mga pagbabago sa shield ni Seraphine, ipinaliwanag ni David “Phreak” Turley sa kanyang Patch 11.11 Rundown na hindi magbabago ang champion mula level one hanggang five. Bibirit lang nang mas malakas si Seraphine simula level 12 pataas.
Ayon sa math ni Phreak, ang porsyento ng pagtaas ng Surround Sound shield sa buff na ito ay naglalaro mula 102% hanggang 150% sa level 18.
Moonstone Renewer
- Starlit grace heal at shield power per second: pinataas mula sa 4% haggang sa 20%, sa 6% hanggang sa 30%
Staff of Flowing Water
- Rapids self at ally empowerment: pinataas mula sa 20-40 AP (base sa level ng target) sa loob ng 4 seconds, sa 25-45 AP (base sa level ng target) sa loob ng 4 seconds.
Paano pinalakas ng 11.11 ang mid lane Seraphine
Bukod sa Surround Sound, ibinalik din ng patch 11.11 ang lakas ng Moonstaff—Moonstone Renewer at Staff of Flowing Water—na pinahina noong patch 11.8.
Simula nang sabihin ni T1 content creator Nick “LS” De Cesare na gagana lang ang Moonstaff sa mga echanters na nanghi-heal o/at shield, naging perfect candidate na si Seraphine para sa build na ito.
Ngayon, kung pagsasamahin pa ang pinalakas na Surround Sound shield at Moonstaff, hindi na maipagkakaila ang lakas ng mid lane Seraphine.
Sa solo lane, kung saan mas mabilis na makakakuha ng gold at level ang mid lane Seraphine, madaling mabibili ng champion ang mga mura pero effective na support items para sa kapakinabangan ng kanyang buong team.
Click mo ‘to para makita ang buong patch notes ng League of Legends patch 11.11.