Nasa spotlight nanaman ang Boss na si Sett hindi lang dahil sa bago niyang Pool Party skin, kung hindi dahil na rin sa bagong buo sa kanya, ang Mathematically Correct Sett.

Sunod-sunod ang pentakill posts sa League of Legends subreddit matapos ma-inspire ang mga players na subukan ang espesyal na build na ‘to.

Ano ba ang Mathematically Correct Sett build?

Dalawang stats lang ang kailangan para sa Mathematically Correct Sett build: health points at attack damage.

Walang resistance, walang attack speed. Ang dapat mo lang bilhin ay ang mga items na nagdadagdag ng HP, AD, ability haste (AH), movement speed, at health regeneration.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Kaya limitado ka lang sa item build na ‘to:

  • Doran’s Blade (AD, HP)
  • Goredrinker (AD, AH, HP, HP regen)
  • Ionian Boots of Lucidity (AH, movement speed)
  • Sterak’s Gage (AD, HP)
  • Black Cleaver (AD, AH, HP)
  • Titanic Hydra (AD, HP)
  • Warmog’s Armor (AH, HP, HP regen)

Para sa runes, papares ang Grasp of the Undying keystone rune sa pag stack ng health. Run Shield, Bash, Second Wind, at Overgrowth.

Paano ba gumagana ang Mathematically Correct Sett build?

Isa lang ang dahilan kung bakit dalawang stats lang ang ginagamit sa build na ito — ang disenyo ng Sett’s Haymaker (W).

Hinahayan si Sett ng passive ng Haymaker na mag-ipon ng 100% ng post-mitigation damage na natanggap na gawing Grit sa kanyang resource bar, hanggang 50% ng kanyang maximum health. Dahil post-mitigation damage lang ang inii-store ng Haymaker, para ma-maximize ito, pwedeng hindi na bumuo ng mga defensive items na nagmi-mitigate din ng damage.

Kaya pa rin maging makunat na frontliner ni Sett habang mina-maximize ang Grit kahit pa attack damage at HP lang ang items na meron siya.

Ang synergy ng item build sa Haymaker

May damage sa loob ng cone area ang ikalawang bahagi ng Haymaker. Sa loob ng AoE nito, makakatanggap ng physical damage ang mga kalaban, at true damage naman sa gitna.

Mathematically Correct Sett

Scaling ang true damage ng Haymaker sa bonus AD at percentage ng nagamit na Grit. Ibinabalik tayo nito sa dahilan kung bakit makatutulong kay Sett na i-max out ang Grit bar agad para mas malakas ang damage niya sa team fights.

Ang kailangan mo na lang gawin ay tangkihin ang lahat ng damage sa abot ng makakaya mo gamit ang unmitigated build, i-maximize ang Grit bar, maging golden, gumitna at i-pwesto ang Haymaker kung saan maraming tatamaan na kalaban, at lusawin ang kanilang buhay.

Sino ba ang nagpasikat ng Mathematically Correct Sett build?

Nag-email si Matthew Knipfer, ang gumawa ng Deep League sa YouTube na parehong tao sa likod ng Mathematically Correct Panthon build, ng spreadsheet kay League of Legends streamer na si RossBoomsocks na nagpapaliwanag sa Mathematically Correct Sett build.

Sa kanyang video na umabot na sa 250,000 views, inisa-isa ni RossBoomsocks ang mga numerong kinalkula Knipfer, at binasa ang mga paliwanag tungkol sa mga ability ni Sett.

Sa sobrang viral ng Mathematically Correct Sett build ay napa-tweet pa ng meme ang Principal Champ Designer ng Riot na si Riot August.

Panoorin ang video ni RossBoomsocks para sa mas malalim na explanation ng bawat rune, item at buo kay Sett.

Ano ang mga kahinaan ng Mathematically Correct Sett build, at ginagawa ba ito ng mga pro?

Kahit na may sense ang build na ito, hindi pa rin kumbinsido ang mga pro players sa solo queue na gawin ito. Mas trip nila ang normal na Sett build na Stridebreaker para makalapit sa mga kalabang champions, na susundan ng Sterak’s Gage, at Mercury’s Treads.

Dahil nagiipon ng health ang Boss sa build na ito, tutunawin lang si Sett ng mga champions na may kakayahang mag-deal ng true damage at percentage damage. Halimbawa na lang sa mga champions na hindi kayang makipagsabayan ni Sett ay sina Fiora at Viego.

Siyempre, papatong pa rin sa Grit ang mga damage nila, pero ibig-sabihin din nito na mas mababa ang kanyang health bar, kung meron pang matitira. Mapapababa rin ng Serpent’s Fang ang effectiveness ng shield ng Haymaker.