Ano ang kanyang saloobin sa kanilang pagkatalo sa PSG Talon?

Maraming sorpresa ang naganap sa mga huling araw ng League of Legends MSI 2021 Rumble Stage, kasama rito ang di inaasahang upset mula sa Pacific Championship Series (PCS) representatives na PSG Talon.

Pinuri ng Mad Lions support na si Norman “Kaiser” Kaiser ang team para sa kanilang performance sa isang post-match interview sa ONE Esports.

Sinuri ni MAD Lions Kaiser ang PSG Talon

League of Legends PSG Talon MSI 2021
Credit: Riot Games

Kakaibang PSG Talon ang nakita ng mga manonood ng Mid-Season Invitational sa Day 3 ng Rumble Stage. Matapos ibigay sa tournament favorites na Royal never Give Up ang kanilang unang talo sa MSI 2021, nagpatuloy ang team ng Pacific Championship Series (PCS) para labanan ang European representatives na MAD Lions.

Ginulantang ng PSG Talon ang MAD Lions sa level one jungle invade ng Xayah ni Chiu “Doggo” Tzu-Chuan, Leona ni Ling “Kaiwing” Kai Wing, at Udyr ni Kim “River” Dong-woo.

Nakuha ng trio ang first blood ng mapatay nila ang Rumble ni Javier “Elyoya” Batalla, pero nakaganti ang MAD Lions nang pitasin nila si Doggo.

Ang invasion na ‘to ay di nakabuti para sa League of Legends European Championship (LEC) team.

Dehado sila sa simula pa lang ayon kay MAD Lions Kaiser. Inamin din nya na nahirapan ang team sa Leona ni Kaiwing, na hindi nila malapitan dahil sa mga quick stuns.

“I just wasn’t able to set up proper fights with the team,” ibinahagi nya sa ONE Esports.

Nagpatong-patong ang lamang ng PSG Talon sa game na nagresulta sa unang beses na pagkakapanalo nila laban sa MAD Lions sa MSI 2021. Maganda ang kinalabasan ng Day 3 para sa PSG Talon lalo na’t tinalo nila ang dalawang major region teams.

League of Legends MAD Lions Kaiser Thumbs Up MSI 2021
Credit: Riot Games

“I didn’t really expect them to defeat RNG,” commented MAD Lions Kaiser. “Seeing as how we beat them in the group stage, they really stepped up their gameplay and they really showed it to us. I give props to them for really stepping (up) and showing how skilled they really are.”

MAD Lions Kaiser at ang disgrasya sa mga manok

Sa MSI 2021 Rumble Stage Day2, nagkaroon ng konting disgrasya si Kaiser sa laban nila ng PSG Talon.

Habang tumatakbong palayo ang kanyang Nautilus na may natitirang kapirasong HP, napadaan sya sa enemy raptor camp. Nag-expire ang kanyang Titan’s Wrath bago pa sya makatakas, kaya’t napatay sya ng mga manok.

“I like to eat chicken of course but after yesterday, maybe I’ll turn it down a bit because they are looking angry at me and I’m a bit scared of it,” pabirong sabi ni MAD Lions Kaiser. “It’s fine, I’ll get over it after some time.”

Nagpapasalamat si Kaiser na si Carzzy ang kaniyang bot lane partner

League of Legends MAD Lions Carzzy Kaiser LEC
Credit: LEC

Ibinahagi rin ng MAD Lions support player kung bakit napakagaling na partner ng bot laner nilang si Matyáš “Carzzy” Orság.

“Whenever I bring any new strategies to him, he’s very open to trying them. If they work, they work. If they don’t, we try other ones,” dagdag pa ni Kaiser. “He’s just a good friend and partner overall.”

Sinabi ni Carzzy na sila ni Kaiser ang best tandem sa LEC matapos ang pagkapanalo nila laban sa Rogue sa Spring playoffs.

“I think we have the best understanding of the mid and late game, plus we know how to punish opponents and snowball a game,” sabi Carzzy sa kanilang LEC interview.