Malayo na ang narating ng rookie team ng League of Legends na MAD Lions simula ng kanilang debut last season. Tila hinugot ni Kaiser ng MAD Lions ang kaniyang inner Doctor Strange at ibinahagi ang kaniyang mga saloobin sa nakaraang Worlds, ang kasalukuyang MSI, at ang kinabukasan ng team sa LEC.
Ang nakaraan – MAD Lions sa Worlds 2020
Noong nakaraang taon, sa unang pagkakataon, binigyan ng Riot Games ang Europe, China, at Vietnam ng karagadgang slots para sa presithiyosong League of Legends World Championship (Worlds), at ito ay nagbigay ng oportunidad sa MAD Lions para magkapag-debut sa international stage.
“Worlds was a bit of a disaster for us,” sabi ng ni Norman “Kaiser” Kaiser, isang support player sa ONE Esports. “We were struggling to get games off of teams.”
Ngunit naputol ang Worlds 2020 journey ng MAD Lions matapos sila hindi mag-qualify para sa Group Stage dahil sa kanilang pagkatalo laban sa Turkish team na Papara Supermassive sa Play-Ins sa Group A. Sila ay naiwan na mayroong 1-3 record at napaaga ang kanilang uwi.
Ang kasalukuyan – isang bagong MAD Lions sa MSI 2021
Matapos ang ilang buwan, ni-revamp ng MAD Lions ang kanilang roster at nagsali ng bagong players – ang top laner na si İrfan “Armut” Tükek at ang jungler na si Javier “Elyoya” Batalla.
Kasama ang bagong pares na ito, nakakamit ng mas maraming achievements ang white-and-yellow squad na ito. Natalo nila ang top team na G2 Esports, Fnatic, at Rogue para panalunin ang League of Legends European Championship (LEC) Spring 2021.
Dahil sa kanilang panalo, nirepresenta nila ang rehiyon ng Europe sa Mid-Season Invitational (MSI 2021), ang kanilang pangalawang international competition. Sa halip ng ilang mga problema, tulad ng pagkatalo laban sa tournament favorites na Royal Never Give Up, tingin pa din ni MAD Lions Kaiser na maganda pa din ang kanilang performance.
“We played the Group Stage pretty cleanly,” sabi ni MAD Lions Kaiser sa MSI 2021 Rumble Stage Day 3. “If we pick up our pace again, the comparison to Worlds is unimaginable because now we have so much experience and skill.”
“We work better as a team. Even after [losing to DWG KIA and PSG Talon] today, I’m still confident that we can pick it up again and perform better.”
Nag-qualify ang MAD Lions para sa MSI 2021 Semifinals, kung saan haharapin nila ang Worlds 2020 champions na DWG KIA sa isang best-of-five na serye.
Ang kinabukasan – Inaabangan ng MAD Lions ang paparating na LEC Summer Split
Ngayon na malapit na matapos ang MSI 2021 competition, hindi pa din tapos ang grind para sa LEC Spring 2021 champions. Kailangan na magpaalam ni MAD Lions Kaiser sa Icelandic na tap water dahil babalik sila sa Berlin studio para sa LEC Summer Split 2021 na maguumpisa sa June.
Ang pakikipaghalubilo sa mga kilalang players, ang pag-experience ng international pressure, at ang pagbuo ng mga pagkakaibigan – ito ang mga bagay na dadalhin ng MAD Lions sa pabalik sa Europe.
“Obviously, you played against really good players, the best of the best in their respective regions. That experience is already worth a lot because you don’t play internationally every single day,” paliwanag ni Kaiser.
“Playing against new players and different bot lanes and even teams, [knowing] how they draft and think about the game, and play level ones — it helps us a lot and, by default, that will give us a huge advantage over the rest of the LEC teams that didn’t get this international experience.”
Hulaan mo? Parte si Kaiser ng MAD Lions K-pop squad
Alam na natin na ang mid laner ng team na si Humanoid at ang bot laner na si Carzzy ay nakikinig sa Korean pop, ngunit alam niyo ba na pati rin si Kaiser ay may hilig dito?
Mayroong malawak na taste sa music genres si Kaiser at nakikinig siya sa lahat. Classical, hard rock, pop, electro, at kahit metal – oo, lahat niyan ay nasa playlist ni Kaiser.
“I don’t really have hype songs. Something from Powerwolf — they’re pretty hype,” sabi ni MAD Lions Kaiser.