Natapos kagabi ang Mid-Season Invitational (MSI) 2021 Group Stage, pero nagsisimula pa lang uminit ang laban.
At dahil nag-qualify na ang mga teams tulad ng MAD Lions ng LEC at DWG KIA ng LCK para sa susunod na stage, sabik na ang mga fans na Makita silang magharap-harap.
MAD Lions Armut vs DWG KIA Khan
Sa lahat ng top laners sa Rumble Stage ng League of Legends Mid-Season Invitational, nakatutok ang atensyon ni MAD Lions Armut kay DWG KIA Khan.
“I was watching his VODs to learn some matchups from him and it would be nice to play against him this time,” sabi ng MAD Lions top laner na si İrfan “Armut” Berk Tükek.
Parehong humahataw ang dalawang top laners sa kani-kanilang groups sa MSI 2021. Panoorin na lamang itong 1v1 play ng Lee Sin ni MAD Lions Armut laban sa Camille ni Leonardo “Robo” Souza.
Sa isang iglap, nag-flash si Armut papunta kay Robo, at daliang nag-cast ng Tempest para tapusin ang top laner ng paiN Gaming sa Day 3 ng MSI 2021 Group Stage.
Nakita rin natin ang pop-off ni Kim “Khan” Dong-ha sa Day 1 ng MSI 2021 Group Stage gamit ang kanyang Gnar. Nakagawa sya ng two-man stun laban sa LCCS team na Cloud9. Nagresulta sa 3 kills ang clash, na nakatulong upang makuha ng kanyang team ang kanilang unang panalo para sa MSI ng taon na ‘to.
Sa pagitan nina MAD Lions Armut at DWG KIA Khan, sino ang mamamayagpag sa MSI 2021? Mukhang mas gagalingan pa ni Armut dahil mas malaki na ang nakasalalay.
“I like to play in high-risk places because it gives me more adrenaline,” paliwanag ni Armut. “When there is more adrenaline, I’m just far from better. This is what I think about myself, and this is what I like, actually.”
Ang MSI 2021 Rumble Stage ay magsisimula sa May 14, Friday, 9:00 p.m. GMT+8. Makikita ang kumpletong MSI 2021 schedule dito.