Sa unang pagkakataon sa League of Legends esports, ipinagdiwang ng Chinese League of Legends Pro League (LPL) ang unang LPL Hanfu Day noong nakaraang weekend sa 2021 Summer Split.

Ang LPL Hanfu Day ay isinabay sa Dragon Boat Festival, na ginaganap taon-taon tuwing ikalimang araw ng ikalimang buwan ng lunar calendar, isang traditional na Chinese holiday na mayroong Dragon Boat races at steamed rice dumplings.

Isinusuot sa Chinese festival na ito ang Hanfu, isang uri ng historical robe na gamit ng mga kalalakihan at kababaihan noong 220 B.C.


Special guest appearance sa Hanfu Day

LeagueOfLegends LPL Summer2021 Sneaky LPLHanfuDay
Credit: Sneaky on Twitter

Inumpisahan ang LPL Hanfu Day broadcast ng dating League of Legends pro player na ngayon ay full-time streamer na si Zach “Sneaky” Scuderi, na nag-crossdress gamit ang isang blonde at pink na wig, na bumati sa lahat nang LPL teams na kasali sa Summer Split.

Ang dating Brazilian pro player na ngayon ay full-time streamer ng TSM na si Julia “Mayumi” Nakamura ay nagpakita rin suot ang pastel pink at blue na Hanfu bago nagpakita ang dating LPL at LEC caster na si Indiana “Froskurinn” Black sa kanyang midnight blue ensemble.

LeagueOfLegends LL Summer2021 LPLHanfuDay Mayumi Froskurinn
Credit: TSM Mayumi and Froskurinn on Twitter

LPL Hanfu Day Walk Show

Sinimulan ang live walk show. Espesyal na ginawa ang mga Hanfu designs para sa 17 LPL teams na may natatanging kulay at simbolismo. Kabilang ang lahat ng lalake at babae sa mga pumarafa sa entablado, habang ipinapaliwanag ng LPL host at translator na si Wendy ang kahulugan ng bawat design.

Ang mga Hanfu outfits ng mga teams tulad ng Bilibili Gaming, Thunder Talk Gaming, at LNG Esports ay nagbigay ng ethereal feels sa kanilang asul na kulay.

Ang ibang teams naman gaya ng Suning, JD Gaming, Ultra Prime (UP), Team WE, and Victory 5 ay pinaganda gamit ang mga props.

Ang traditional Hanfu ng Top Esports at two-time Mid-Season Invitational champions Royal Never Give Up ay may mas madilim na shade ng black, orange, red, at gold, na nagpapakita ng malakas at maharlikang dating.

LeagueOfLegends LPL Summer2021 LPLHanfuDay TopEsports
Credit: LPL
LeagueOfLegends LPL Summer2021 LPLHanfuDay RoyalNeverGiveUp
Credit: LPL

Ang pinakanatatangi sa lahat ay ang Hanfu ng FunPlus Phoenix, na gawa sa volcanic red fabric sa inner layer, at maroon red sa panlabas. Sa likod nito, ay isang golden phoenix print, na dinisenyo para magpakita ng “grand resemblance of a conqueror”.

LeagueOfLegends LPL Summer2021 LPLHanfuDay FunPlusPhoenix
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports
LeagueOfLegends LPL Summer2021 LPLHanfuDay FunPlusPhoenix
Credit: LPL

Pagkatapos ng fashion show, pinarangalan ng resident tri-language translator ng LPL na si Wendy ang entablado sa kanyang napakagandang baby pink Hanfu na sinamahan pa ng kanyang magarbong hairstyle.

LeagueOfLegends LPL Summer2021 LPLHanfuDay Wendy
Credit: Wendy on Twitter

Isang kumplikadong tradisyunal na kasuotan, ipinakita nya ang behind-the-scenes backstage sa Twitter, kung saan kinailangan nya ng maraming tulong para maisuot ang multilayered na Hanfu.


“Legends Never Die” sa zither

Matapos ang laban sa pagitan ng JD Gaming at Top Esports, isa na naming LPL Hanfu Day showcase ang nasaksihan ng mga fans: ang Worlds 2017 anthem na “Legends Never Die” ay tinugtog sa guzheng.

Makabuluhan ang Legends Never Die theme song para sa China, dahil ito ang unang beses na ginanap doon ang taunang World Championship. Ang matinding grand final sa pagitan ng SK Telecom at Samsung Galaxy ay naganap sa iconic na Beijing National Stadium, na mas kilala bilang Bird’s Nest, na may live performance mula kay Jay Chou at Against the Current.

Bagamat ang mga LPL players ay hindi naka-Hanfu sa mismong araw, isang representative mula sa bawat team ang dumalo sa pre-show photoshoot upang maipakita sa broadcast.

Nakisali din ang mga audience sa kasiyahan! Maraming kababaihan ang nagsuot ng Hanfu, at nagsulat ng calligraphy sa mga pamaypay para ipakita ang suporta sa kanilang paboritong esports teams.

Panoorin ang buong LPL Hanfu Day celebration at ang mga laban sa pagitan ng JD Gaming at Top Esports, at Edward Gaming at Invictus Gaming sa ibaba: