Habang papalapit na ang Worlds 2021, patuloy nang ina-akma sa pro play ang mga game updates. Pero sa paglapag ng League of Legends patch 11.16, ibang ruta ata ang nais tahakin ng Riot Games matapos gawing overpowered si Nunu.
Sa patch notes, ipinaliwanag ng game developers kung paano nag-”hit a slump” ang pares kaya’t tinaasan nila ang damage output ng mga ito.
Ang mga buff kay Nunu sa League of Legends patch 11.16
Base stats
- Movement speed, pinataas mula 340, naging 345
E – Snowball Barrage
- Damage ratio per snowball pinataas mula 6% AP, naging 10% AP
- Total damage ratio, pinataas mula 54% AP, naging 90% AP
Kailangan ba talaga ni Nunu ng buff sa League of Legends patch 11.16?
Ayon sa datos ng solo queue sa patch 11.15 mula sa U.GG, 50.36% ang win rate ng Jungle Nunu sa Platinum+ na rank, pero mababa ang pick rate nitong nasa 3.3% lang.
Isa rin sa problema sa nasabing champion ay ang sadyang pagiging dichotomous nito.
“Nunu, it must be a hard champion to track because there’s no other champion in the game… is actually the token troll champion,” paliwanag ng T1 content creator at analyst na si Nick “LS” De Cesare sa kanyang patch rundown video.
“Some of Nunu’s losses across all rank tiers is due to inters, and I wonder how Riot calculates Nunu’s win rate when knowing something like that?”
Bukod dito, may maliit na percentage din ng mga mid lane player na mag-e-AP at lang magro-roam buong laro gaming ang champion, na ayon kay LS ay isang “very unhealthy thing”. Sa Master hanggang Challenger ranks, meron ding mga trick na napapagana noong nakaraang patches, na minsan ay mas effective pa kesa sa meta junglers.
Dahil ang Snowball Barrage (E) ay isang ability na pwedeng i-recast at mababa ang cooldown, ang malaking AP scaling damage ratio buff mula 54% AP sa 90% ay tiyak na banta ng pagiging overpowered.
Basahin ang buong League of Legends patch 11.16 dito.
BASAHIN: Alistar build guide: Mga runes, items at combos na ginamit ni RNG Ming