Taon-taon, nagtitipon ang pinakamagagaling na League of Legends team sa buong mundo para paglabanan ang kampeonato ng MSI.
Ang MSI, o Mid-Season Invitational, ay isang taunang offline competition na ginaganap sa pagitan ng una at ikalawang splits ng lahat ng rehiyon.
Ang kompetisyon ay pinagbibidahan ng mga kampeon mula sa bawat rehiyon. Bukod sa pinaka-aasam na kampeonato, pinaglalaban-labanan din ng mga kalahok ang pinakamalaking bahagi ng US$250,000 na prize pool.
Sa kasaysayan ng MSI, ang LPL ang may pinakamaraming nauwing kampeonato. Sinimulan ito ng EDward Gaming noong 2015, at sinundan ng Royal Never Give Up noong 2018, 2021, at 2022.
Gumawa rin ng tala ang RNG bilang ang unang koponang nakapagpanalo ng tatlong MSI titles matapos talunin ang T1, sa iskor na 3-2, noong MSI 2022 Final na ginanap sa Busan, South Korea.
Narito ang kumpletong listahan ng lahat ng MSI winners sa mga nakalipas na taon.
Kumpletong listahan ng lahat ng LoL MSI winners
TURNEO | KAMPEON | PREMYO |
MSI 2015 | EDward Gaming | US$100,000 (₱5.2 milyon) |
MSI 2016 | SK Telecom T1 | US$250,000 (₱13 milyon) |
MSI 2017 | SK Telecom T1 (ni-rename bilang T1) | US$676,000 (₱35.6 milyon) |
MSI 2018 | Royal Never Give Up | US$527,650 (₱27.8 milyon) |
MSI 2019 | G2 Esports | US$400,000 (₱21 milyon) |
MSI 2021 | Royal Never Give Up | US$75,000 (₱4 milyon) |
MSI 2022 | Royal Never Give Up | US$75,000 (₱4 milyon) |
Ang mga premyong napanalunan sa MSI 2021 at MSI 2022 ay ang minimum na prize pool mula sa US$250,000. Hindi pa kasama dito ang kita mula in-client sales.
Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Shutterbug alert! Faker ipinakita ang hilig sa photography sa MSI 2022