Nagpapatuloy ang Sentinels of Light event  sa in-game client ng League of Legends kung saan maaaring kuhanin ng mga players ang serbisyo ng mga champions para subukang talunin ang  ruined king na si Viego.

Sa kabilang banda naman, may isang patimpalak ding nangyayari sa labas ng client kung saan maaaring manalo ang players ng napaka-espesyal na League of Legends Lego set.


Mamimigay ang Riot games ng custom League of Legends set

Credit: Riot Games Korea

Inilunsad ng Riot Games Korea ang regional na Sentinels of Light event kung saan ang mananalo ay mabibigyan ng custom League of Legends Lego set. Tampok sa League of Legends set na ito si Viego sa kaniyang default skin, gayundin sina Senna, Lucian at vayne sa kanila namang Sentinels skin.

Ang maswerteng mananalo ay makakakuha ng LoL champion Lego brick figures. Kung mas maraming entries, mas mataas ang tiyansang makuha ang lahat ng figures para makumpleto ang custom League of Legends set collection.

Credit: Riot Games Korea

Gayunpaman, dahil ito ay isang regional event, dapat ay nasa Korea ang lalahok sa event na ito.

Ang League of Legends Lego set na ito ay nailunsad sa pagtutulungan ng top Lego collector at builders ng Korea na sina bricks_park at rozzi_custom.


Ang Sentinels of Light event ng League of Legends

Credit: Riot Games Korea

Presko ang Sentinels of Light event ng League of Legends na kinatatampukan ng mga champions na sina Senna, Lucian, Vayne, Diana, Irelia, at ang pinakabagong LoL champion na si Akshan at marami pang iba.

Tinaguriang mga Sentinels, ang mga champions na ito ang sasabak sa huling kampanya laban sa Black Mist at sa mga nilalang ng kadiliman. 

Maaaring simulant ng mga players ang event na ito sa pamamagitan ng pagpili ng gusto nilang Sentinel at initiative dito.