Ipinakita sa unang linggo ng League of Legends Champions Korea (LCK) ang nakakabilib na laro ng AD carry ng KT Rolster na si Oh “Noah” Hyeon-taek.

Sa kabila ng pagiging 2021 LCK Spring champions ng kalabang DWG KIA, hindi nagpatinag si KT Noah at ang Rolster squad at tinalo ang kalabang super team.

Bakit importante kay KT Noah ang series laban sa DWG KIA

Habang ang lahat ng teams sa LCK ay naghahanda para harapin ang DWG KIA sa regular season, may natatanging history naman ang unang Summer series ng KT Rolster laban sa Spring kings.

Sa huling linggo ng 2021 LCK Spring, nagtamo ng matinding 2-1 na pagkatalo ang KT Rolster sa kamay ni Heo “ShowMaker” Su at ng DK squad, kung saan nawalan sila ng pagkakataong makapasok sa Sprong playoffs.

Isa si KT Noah sa mga players na pinersonal ang pagkatalong ‘yon. Nakuha ng batang substitute ang unang game gamit ang kanyang Samira, pero kinuha ng DK AD carry na si Jang “Ghost” Yong-jun ang sumunod na dalawang games gamit ang Tristana at Senna.

Matapos ang matinding talo, nakita sa camera na naiyak si Noah, at sumumpa syng babawi sa Summer.

“After I got beaten up by Senna at that time, I practiced Senna a lot,” sabi ni KT Noah. “I’m going to clap DK with my Senna.”

Bangungot ang Senna ni KT Noah para kay Ghost

Matapos kunin ng KT ang game one sa tulong ng Sylas ng mid laner na si Kim “Dove” Jae-yeon, pinangunahan ni Noah ang game two gamit ang kanyang bago at mas pinalakas na Senna.

LeagueOfLegends LCK 2021 Summer Week1 DWGKIAvsKTRolster Match2 Draft
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Hindi nagpigil ang Senna player laban sa kanyang katapat sa DK. Tatlong minuto pa lang ang nakakalipas, nag-initiate ng tower dive sa bot lane ang KT sa tulong ng Udyr ni Kang “Blank” Sun-gu para makuha ang first blood mula kay Ghost.

Kahit na unang laban nya pa lang sa LCK, ang support player na si Lee “Harp” Ji-yoong ang perfect na wingman para kay Noah.

Gamit ang Abyssal Voyage (R) ni Tahm Kench, nahuli ng young gun duo ang DWG KIA ADC na mag-isa sa bot lane. Habang tinatangke ni Harp ang mga tira ng turret, pinuntirya naman ng Senna ni Noah si Ghost, na na-root nya gamit ang Last Embrace (W) at tinapos nya gamit ang Dawning Shadow (R) at isang auto-attack.

Sina Harp at Noah rin ang initiators ng huling laban. Gamit ang isa na namang Abbysal Voyage, naipit nila at napitas si Ghost.

Gamit ang 4v5 advantage, itinuloy ng KT ang clash laban sa DK para kumuha ng ilan pang kills para mabuksan ang base ng kalaban. Sa pagpasok ng creep wave sa bot lane, dumerecho ang KT sa Nexus upang tapusin ang series sa score na 2-0.

Mapapanood ang mga laban sa official LCK Twitch at YouTube channel.