Inilabas ang isang bagong short para sa inaabangang animated Netflix series na Arcane, at marami pa itong ibinunyag tungkol sa serye at sa komplikadong relasyon nina Jinx at Vi.
Sa kasamang dev diary, kinumpirma ng Riot na ang magkapatid na sina Jinx at Vi ay mayroong isang kasaysayan.
A Score To Settle
Sa 2-minutong short na ang tawag ay A Score to Settle, makikita natin pumasok si Jinx sa isang lumang haunt. Mae-engkwentro niya ang isang machine na parte ng kasaysayan ni Vi, at nauwi siyang kinompronta ang mga inner demons niya.
Hindi malinaw kung kailan ito nangyari, ngunit ang Jinx sa Arcane ay ibang-iba sa kaniyang baliw at masayang personalidad sa laro. Ang bersyon ng Jinx na ito ay malungkot.
Ang mga flashbacks mula sa nakaraan ni Jinx ay nagpapahiwatig na hindi laging nasira ang mga magkakapatid na ito. Nagpakita ang short ng mga eksena kung saan nagkaroon ng mga mapagmahal na moments sina Jinx at Vi, ngunit ipinakita rin nito si Vi na sinasaktan si Jinx.
Habang inaalala ni Jinx ang kaniyang nakaraan, makikita rin natin ang pangalan na “Vi” na nakaukit sa screen, at ipinapahiwatig nito na malalim ang trauma ni Jinx dahil sa nangyari.
Sinasabi sa kaniyang League of Legends biography na “walang nakakaalam kung anong nangyari bakit naging isang wildcard ang sweet young child na ito na kilala dahil sa kaniyang mga acts of destruction.” Mukhang matutuon ng pansin ang Arcan sa pangyayaring ito, at ito ang magbabago kay Jinx at Vi habangbuhay.
Ano ang saloobin ng mga creatos ni Jinx at Vi
Ibinahagi ng executive producer ng Arcane na si Christine Linke at ang co-creator ng serye na si Alex Yee sa dev diary na kasama sila sa pagbuo ni Jinx at Vi sa nakaraang sampung taon.
“These two sisters have a troubled relationship and couldn’t be more different from each other, each one a deadly fighter in their own right,” sabi ni Linke. “As all of us who have siblings know, you’re gonna butt heads. In their case, that’ll involve rocket launchers, grenades that have teeth and boxing gloves the size of small cars.”
Dinagdag pa ni Yee na hindi mo kailangan maging pamilyar sa League of Legends para magustuhan ang serye.
“For those people who aren’t really familiar with our game, we just wanna show them why we’ve stuck with these characters for over a decade now and why we love them so much,” sabi Yee.
Sa tanong na kung sakop ba ng serye na ito ang nakaraan o ang kasalukuyan? Sabi ni Yee na parehas itong kasama.
“You’ll get to see some of Jinx and Vi’s origin stories, but you’ll also get to see them in present day as they push the world forward.”
Mayroon pa bang mga storya mula sa Runeterra?
Sinabi ni Linke na ang partner studio ng Riot, ang Paris production house na Fortiche, ay nagdala ng kanilang kakaibang style sa Arcane at dahil dito, mas naging excited para sa future ang mga developers. Dati nang naging parte ang Fortiche sa ibang League of Legends na videos tulad ng Get Jinxed, Rise, at Pop/Stars.
Simula pa lamang ang Arcane dahil naghahanap pa ng mga myembro ang Riot sa kanilang creative team, partikular na sa mga live-action movies at serye.
“The world of Runeterra is so vast, with so many factions and champions that are bustling with life,” sabi ni Linke. “This is just a small slice, and the start of all the storytelling opportunities we are working on at Riot.”
So, anong nangyari sa pagitan nina Jinx at Vi para masira ang kanilang sisterhood? Malalaman natin sa premiere ng Arcane ngayong fall sa Netflix.