Tampok sa Week 3 ng 2021 LCS Summer Split ang opening-day panglalason ng Evil Geniuses kontra Cloud9sa pangunguna ni Daniele “Jiizuke” di Mauro.

Ang pagbabalik ng Ryze ni Jiizuke sa LCS

Pinahirapan ng classic pick na Ryze ni Jiizuke ang mid laner ng C9 na si Luka “Perkz” Perković na gamit ang kaniyang Akali.

Kasama ang Nocturne ni Jeong “Impact” Eon-young at Galio ni Lee “IgNar” Dong-geun, pitas ang sa trio ang sinumang kapus-palad na makikita nila sa mapa.

Epektibong counter pick ang Ryze sa mga meta mid champions na Lee Sin at Akali dahil sa kaniyang scaling at dalang split-push potential. Sa laban ng EG sa C9, swabeng 288 CS ang itinala ni Jiizuke kontra sa 184 ni Perkz.

Death push sa lahat ng lanes ang nagsilbing panapos ng EG na kinatampukan ng wombo combo ng Hero’s Entrance ng Galio at Paranoia ng Nocturne.


Katarina pick ang one-trick champion ni Jiizuke

Credit: Riot Games

Nung tinanong kung sino ang paborito niyang champion, ibinahagi ni Jiizuke na Katarina ang one-trick champion na gusto niyang laruin habang buhay. 

“If Katarina was powerful, I would pick Katarina,” ani ng mid laner ng EG. “She fits my playstyle and she’s really fun to play.”

Binanggit din ng mid laner na napakaposibleng bumuhat ng Katarina kung maitatama ang rest ng kaniyang abilities pagkatapos ng kill o assist.

Dagdag niya, sobrang nerf ang ginawa kay Katarina dahil sa OP status nito sa solo queue kaya naman hindi ito magandang isabak sa pro play.


Nagsalita si Jiizuke tungkol sa pamosong Lucian dive

Credit: Riot Games via ESPAT

Nagbahagi ng komento si Jiizuke tungkol sa eksena sa NA region ngayon at kung papaano binibigyang atensyon ng mga miron ang misplays kaysa sa mga magandang nagagawa ng mga pro player.

“To me, I played really well in Spring, but the whole performance and my stats were clouded by a single Lucian game,” banggit niya. “The most famous part was my dive, but everyone int-ed in some team fight and that’s why we lost.”

Sinabi din ng mid laner na regular sa kaniya na “like a maniac” ang playstyle na wala masyadong paki sa mga statistics.

Madaming negatibong komento ang natanggap ni Jiizuke sa misplay na nangyare sa LCS, pero madaming League of Legends na players sa iba’t-ibang rehiyon ang mayroong kaparehong pananaw.

“There’s Caps and Hylissang in Europe, TheShy and Rookie in the LPL, and even Chovy in the LCK,”sabi ng EG player. “They have bad games, but the important thing is what you do for the most part.”

Tantya ng mid laner, 80% hanggang 90% ng mga laro niya sa Spring Split ay magaganda. Maaari din dawn a ituring siya bilang isa sa top 3 mid laners ng NA ngunit hindi ito masyadong binibigyang pansin ng mga fans.

Panoorin ng live ang bakbakan sa  official LCS Twitch at YouTube channels.