Malungkot na balita para sa Team Liquid fans.
Opisyal ng inanusyo ni Joshua “Jatt” Leesman ang kaniyang paglisan bilang head coach ng Team Liquid na una din niyang coaching position sa competitive League of Legends.
Opisyal na pahayag ni Jatt
Sa opisyal na pahayag ni Jatt, binaggit niya na sarili niyang desisyon na umalis na sa Team Liquid na una niyang binaggit sa co-CEO ng brand na si Steve Arhancet.
Kahit pa biglaan ang balita, nagbalik-tanaw ang head coach sa mga tagumpay na natamo ng kupunan sa nakaraang taon kagaya ng pagsali sa Worlds 2020 at pagkakapanalo sa new LCS Lock-In tournament.
Tinulungan ni Jatt ang kaniyang kupunan iselyo ang mabangog 15-3 season sa 2020 LCS Summer na siya ding pinakamagandang regular season record ng team.
Sa kabilang banda, nahirapan ang entrada ng kpunan sa 2021 LCS Summer kung saan tumaob sila kontra TSM. Hindi rin naging maganda ang diskusyon na naganap sa pagitan ng coaching staff at ng top laner nilang si Barney “Alphari” Morris.
“From that conversation, there was a different interpretation of events between both Barney and Josh,” ani ng co-CEO ng TL. “This continued to be an issue and it was not resolved immediately.”
Binigyan naman ng personal break ng kupunan si Alphari hanggang nitong June 27. Si Thomas “Jenkins” Tran ang naglaro para sa kupunan habang naka-break ang orihinal na top laner.
Noon June 22, pinili ni Jatt na mag-retiro na tinaggap naman ni Arhancet.
Si Kold muna ang nagmanda ng team at nagpahinga muna si Santorin
Pansamantalang umakyat muna bilang strategic coach si Jonas “Kold” Andersen habang Albert “H4xDefender” Ong naman ang kaniyang naging assistant.
Sa players naman ng Team Liquid, nagpahinga muna si Lucas “Santorin” Larsen mula sa competitive play dahil sa kaniyang problema sa kalusugan. Hindi tinukoy kung anong uri ng problema ito pero banggit ni Arhancet at Kang “Dodo” Jun-hyeok na madalas ang migraine ng pro player.
“For Santorin, we want to make sure that his health comes first,” banggit ni Dodo. “He’s a competitor, and was powering through the whole Summer even with the pain almost everyday. In the most recent weeks, the pain has become worse which is why it was brought up to the surface.”
Habang hindi muna maglalaro si Santorin, si Jonathan “Armao” Armao ang gumaganap bilang jungler ng kupunan.
Panoorin ang bakbakan sa LCS sa kanilang official Twitch at Youtube channels.