Naging mahirap ang unang apat na linggo ng 2021 LPL Summer Split para sa Invictus Gaming. Sa pagharap sa FunPlus Phoenix, isang team na may 5-1 match record, hindi pinapaborang manalo ang Invictus Gaming dahil dalawa pa lang sa anim na laban nila ang kanilang ipinapanalo.

Dahil sa mga naantalang visa processes, lumalaban ang Invictus gaming na wala ang kanialng head coach na si Jeong “NoFe” No-chul at star top laner na si Kang “TheShy” Seung-lok, na kasalukuyang nasa quarantine sa kanilang home base.

LeagueOfLegends LPL Summer2021 NoFe TheShy quarantine
Credit: Invictus Gaming on Weibo

Matapos magtamo ng Invictus Gaming ng mabibigat na talo sa kamay ng LNG Esports at LGD Gaming, malinaw na ang FunPlus Phoenix ang pinapaboran sa matchup na ito.

Subalit sa pagtatapos ng draft phase ng game one, makikitang pursigido ang Invictus Gaming na kunin ang series.


Last pick ng Invictus Gaming si Taric sa game one laban sa FunPlus Phoenix sa Week 4 ng 2021 LPL Summer Split

Bahagyang nabago ang meta matapos ang 2021 Mid-Season Invitational, at maraming teams sa 2021 LPL Summer Split ang naninibago pa rin sa bagong patch.

Sa game one, first pick ng FunPlus Phoenix ang top-tier AP jungler na si Diana. Kapalit ng pick na ito, kinuha ng Invictus Gaming si Akali na may 63.7% win rate sa pro play, nangangahulugang si Viego ang mapupunta sa jungle.

Ibinigay ng FunPlus Phoenix kay Kim “Doinb” Tae-sang ang kanyang trademark Kled mid bago kumpletuhin ang kanilang team composition ng Leona at Irelia para sa dagdag na crowd control.

LeagueOfLegends LPL Summer2021 FPX IG Game1 draft
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Sa red side, nakita ng Invictus Gaming ang heavy attack damage draft ng kalaban at all-in potential mula kina Diana, Kled, Leona, at Irelia, at nagpasya silang kunin bilang support si Taric para kay Li “Lucas” Tan-Pan-Ao – ang kaunaunahang paglabas ng champion sa 2021 LPL Summer Split.


Ang pagpigil ng Taric ni Lucas sa FunPlus Phoenix

Sa game one, may isa nang death ang Akali ni Song “Rookie” Eui-jin sa mid. Plano ng FunPlus Phoenix na patuloy syang gipitin para hindi sya makapaglibot.

Matapos ang pitong minute, nag-flank sa top side ang Diana ni Gao “Tian” Tian-Liang para sa isang full on dive habang nakaalalay sina Kled at Diana.

Sa isang one-for-one trade, naantala ito ni Rookie, na syang nagbigay ng sapat na oras sa Taric ni Lucas upang makarating mula sa bot lane. Bagamat huli sa rotation, isang clutch na Bastion at Dazzle mula kay Lucas ang sumagip sa Volibear ni Zhao “neny” Zhi-Hao.

Sa pagtatapos ng maaksyong sequence, tatlo sa mga myembro ng FunPlus Phoenix ang nalagas kapalit ng isa mula sa IG. Isang sulit na trade para sa Invictus Gaming.

Sa mid game, napansin ng Invictus Gaming na malalim na sa bot lane ang inaabot ng Kled ni Doinb at Irelia ni Jang “Nuguri” Ha-gwon. Sa parehong pagkakataon, ang ibang myembro ng FunPlus Phoenix ay nakaposisyon para umalalay para sa isang 5v5 brawl.

Naghihintay sa tamang pagkakataon, pag bitaw ni Leona ng Solar Flare, nag-cast si Lucas ng Exhaust kay Irelia at Cosmic Radiance naman sa kanyang tatlong teammates.

Sa timing pa lang ng ultimate ni Taric, barado na ang all-in potential ng FunPlus Phoenix na naubusan na ng wombo combo para sa laban na ‘yon. Sa pagbaligtad ng sitwasyon, nakakuha si Rookie ng triple kill, at sa kabuuan ay ace para sa team.

Isa sa mga pinakamabisang pangontra kay Leona sunod kay Braum, talagang hindi matatapatan ang last pick Taric support ng Invictus Gaming na syang naging susi ng kanilang tagumpay sa game one.

Nagulat ang lahat nang magtuloy-tuloy ang Invictus Gaming para ipanalo ang game two sa pamamgitan ng isa na namang risky draft, ang unang bot lane Draven para kay Zhang “Wink” Rui para sa season na ito.

Maging ang official LoL Esports account ay ginawan ng biro ang kanilang pagkapanalo.

Sa post-game press conference, inamin ni coach Long “Along” Hong-Zhou na hindi nya inisip na mananalo ang Invictus Gaming noong araw na ‘yon.

“Because we’re IG, a team that can create miracles, so in this moment when we weren’t favored, that’s possibly why we could find a win over a stronger opponent,” sabi ni Along.

Sa pag bahagi nya ng kasalukuyang kondisyon ng team, nabanggit nya rin na patuloy silang sumusubok ng iba’t ibang strategies.

“Normally our double carry tempo is very strong, but there are times when we practice the meta, we end up losing our more fierce playstyle,” sabi ni coach Along.

Panoorin ang mga laban live sa official YouTube at Twitch channel ng LPL.