Madami ng inilabas na League of Legends skins ang Riot Games. Sa mga skins na ito, mayroon talagang mga katangi-tangi tulad nalang ng pinakabagong human skins para sa mga non-human na LoL Champions.
Gaano ka-unique ang non-human LoL Champions sa kanilang human skins?
Sa kalalabas pa lamang na PROJECT: Renekton at Arcana Xerath, matikas ang datingan ng human-form nila Crocodile Renekton at “broken coffin” Xerath.
Kaalinsabay ng pagdami ng League of Legends human skins, ipinaliwanag sa huling episode ng Ask Riot kung ano ang proseso ng kumpanya sa paggawa ng mga ito para sa mga non-human champions.
“Turning champions into humans for skins lets us deliver on a totally new fantasy, which is super exciting,” ani ng Riot Games’ Skin Product Lead Ambrielle” Riot Eggo McLego” Army.
Gayunpaman, ang uri ng skin na ito ang nagpapakumplikado sa mga orihinal na design ng mga LoL champions. Malaking hamon ito para sa team dahil kailangan pa din nilang siguraduhin na akma ang disenyo sa core image ng champion. Bukod dito, mahalagang angkop din ang tema para sa kanila.
Banggit ni Riot Eggo McLego, “There can be a lot of challenges in this space since we have to make sure we’re hitting the gameplay clarity bar and creating something that will work with the existing rig and animations.”
Non-human LoL champons at ang kanilang mga human skins
Tampok sa kalalabas pa lamang an PROJECT: Renekton ang crocodile champion na naging tao na kumokontrol sa isang combat armor na hugis ding buwaya.
Kumpleto ito kasama ng isang lohikal na storyline kung saan may isang taong sumailalim sa isang body upgrade at kinontrol ang nabanggit na armor. Swak ang istorya sa tema ng PROJECT.
Mas kita naman ang human aspect ng Arcana Xerath sa mga players. Maayos na naibagay ang bagong skin na ito sa orihinal na imahe ng champion .
Matatandaan noong nakaraang taon na ang Spirit Blossom skin din ang nagbigay sa atin ng bagong pananaw kay Thresh at Kindred.
Siguradong madami pang human skins ang ilalabas ng Riot para ibalik sa katanyagan ang mga non-human champions. Maasahan kaya nating lalabas si Anivia bilang isang snow princess? Makikita kaya natin si Rek’sai bilang isang kaakit-akit na reyna sa susunod na skin drop? Dapat nating tong abangan.