Dalawang bagong items, ang Anathema’s Chains at Hullbreaker, ang ipinakilala sa League of Legends patch 11.13.
Isang legendary item na dinisenyo para sa mga side laners, tila balak ni Riot Games na palakasin pa ang kapabilidad ng mga ito na mag-split-push para matulungan silang sirain ang mga tore, pati na rin ang mga magtatangkang pumigil sa kanila.
Sulat ng Riot, ang Hullbreaker daw ay gumagana “similar to how the old Banner of Command worked,” pero ang kaibahan lang ay kailangan dumikit ng champion na may suot nito sa minion wave para magtuloy-tuloy ang effects ng item.
Ito ang mga stats ng Hullbreaker:
Hullbreaker stats and effects
Base stats
- Build path: Pickaxe + Phage + 825 gold
- Attack Damage: 50
- Health: 300
- Health regen: 150%
Effects
- Passive: Kung walang kakamping champion sa paligid, mabibigyan ang nagsusuot nito ng 20-45 armor at magic resist (level 9-18) at dagdag 20% na damage sa towers. Ang mga malalapit na large minions ay mabibigyan din ng 60-135 armor at magic resist, pati na rin dagdag 200% damage sa towers.
Bagamat tunay na pinalalakas nito ang kakayahang mag-split push, importanteng idiin na hindi nagbibigay ang Hullbreaker ng Ability Haste.
Mahalaga din na malaman na hindi gagana ang item kung may kalapit na kakampi. Ibig sabihin, hindi mapakikinabangan ang passive effect nito tuwing may gank, o kung dadalaw ka sa ibang lane para tulungan ang iyong team na kumuha ng objectives—bagay na pinapaburan ng meta ngayon.
Kelan ka dapat bumili ng Hullbreaker?
Kinumpara ng T1 content creator at analyst na si Nick “LS” De Cesare ang Hullbreaker sa mga Mythic bruiser items katulad ng Frostfire Gauntlet at Turbo Chemtank. Halos pareho ang ibinibigay nito na attack damage, mas mataas HP at base health regen, at halos parehong resistances, kapalit nga lang ng isang mahalagang bagay—ang Ability Haste.
Kahit mas maganda ang stats na ibinibigay ng Hullbreaker kumpara sa mga Mythic items, hindi pa rin kumbinsido si LS na i-rush ang legendary item, lalo na kung hindi mo nababaog ang iyong kalaban sa lane.
Nagdagdag pa si LS ng mga limitasyon ng bagong item kung bibilanging ang iba pang changes. Sa patch 11.11 kasi, binuff ng Riot Games ang Warmorg’s Armor; binago ang minimum health requirement nito mula 3,000 na naging 1,100 bonus health.
Kung bubuo ang mga tank ng ganito, halos mapapawalang-bisa nito ang pushing power ng Hullbreaker dahil mas mahirap na para sa mga bruiser na bawasan ang mga ito.
Matatagpuan ang buong League of Legends patch 11.13 notes dito.