Tampok sa Week 5 ng 2021 LCS Summer Split ang magilas na pagpapakita ni Choi “huhi” Jae-hyun kasama ang 100 Thieves.
Tatlong panalo ang naiselyo ng kupunan nakalipas na linggo para ipagpatuloy ang kanilang impresibong 8-game win streak at panatilihin ang posisyon sa taas ng rankings.
Nanaig ang 100 Thieves sa kanilang bakbakan kontra Team Liquid
Sinimulan ng 100 Thieves ang Week 5 kaharap ang na-repormang Team Liquid.
Malakas ang simula na ipinakita ng kupunan ngunit ayon kay huhi, ito daw ang isa sa pinakamahirap nilang matchups sa 2021 LCS Summer Split.
Dominante ang pagpapakita ni Kim “Sssumday” Chan-ho hawak ang kaniyang Gwen sa top lane na nagsakripisyo para pitasin ang playmakers ng TL tulad ng Aphelios ni Edward “Tactical” Ra.
Kumportableng 5000 gold lead at seven kills kasama ang dalawang drakes sa ika-20 minuto ng laro ang hinawakan ng 100T. Gayunpaman, hindi nila nagawang iligpit ang kalaban ng maaga dahil sa kakulangan ng koordinasyon.
Sa kabila nito, nakuha pa rin naman nila huhi ang panalo na inabot ng 44 minuto. Isang engkwentro sa jungle ang nagdikta ng laban kung saan matipunong zoning ang ginawa ni Ssumday para bigyan ng espasyo ang ibang miyembro ng 100T punitin ang bot lane duo ng TL.
Matapos ang clash na ito, sinelyo ng kupunan ang Baron at Elder Dragon, at rumekta na papunta sa Nexus ng kalaban.
Isyu ng kupunan ang ‘sloppiness’ ayon kay huhi
Kahit pa malaking panalo ang nakuha ng 100T sa Team Liquid, ipinaliwanag ni huhi kung ano ang naging problema ng kupunan na humadlang sa kanila para tapusin agad ang laban.
“We thought we should’ve won that game in 20 minutes,” ani ni 100 Thieves huhi. “They were able to play the game out because we were playing really sloppily.”
Binaggit din ng support player na minsan ay hindi nagkakasundo ang team sa shot calls, kung saan gusto ng mga miyembro maging “shining star” sa bawat engkwentro.
Bagamat pansin ang mga dapat nilang isaayos sa susunod nilang mga laban, naniniwala si huhi sa abilidad ng coaching staff ng kupunan para maplantsa ang mga ito.
Underrated si huhi sa support role
Madalas na hindi nasisinagan ng spotlight si huhi sa kaniyang support role. Isang dahilan nito ang pagkakaroon niya ng mga prominenteng mga teammates tulad nina TL’s Jo “CoreJJ” Yong-in at Cloud9’s Philippe “Vulcan” Laflamme.
Kahit pa ganon, nakikita ni huhi na isa siyang standout player, lalo na kung titignan ang standing nila ngayon sa 2021 LCS Summer Split.
“Even if people don’t mention me, it doesn’t matter,” sabi ni 100 Thieves huhi. “I know that I’m better than the other people in the LCS, and FBI thinks so as well.”
Kahit pa mahirap para sa sa 100T support player umakyat bilang kilalang support sa liga, naniniwala si huhi na kaya niyang ipakita ang halaga niya sa pamamagitan ng pag-pokus sa kaniyang sarili at kung anong mga bagay ang kaya pa niyang pagbutihin.
World-class team ba ang 100 Thieves sa 2021 LCS Summer Split?
Umaarangkada ang 100 Thieves sa league ladders kasama ang kanilang 8-game win streak, ngunit hindi pa kumbinsido si huhi na tawagin na top team sa world rankings ang kaniyang kupunan.
“It’s really hard to say because even we don’t know where we stand in the world,” ibinahagi ni 100 Thieves huhi. “That’s why we desperately want to go to Worlds 2021.”
Kasama ang kaniyang katambalan sa bot lane na si Victor “FBI” Huang, interesadong silang malaman kung magiging kasing-dominante ba sila kung tatapat sila sa mga mas malalakas na LPL at LCK bot laners. Umaasa silang makakatapat nila ang mga bantog na players tulad nina Park “Ruler” Jae-hyuk ng Gen.G. at Chen “GALA” Wei ng Royal Never Give Up.
Sa tingin ni huhi, makakatulong ng malaki ang ganitong matchups sa kanila dahil matuturuan nito silang maging mas mahusay sa mga bot lane techniques. Gayundin, matutukoy nila kung isa ba talaga ang 100 Thieves sa mga pinakamalakas na LoL teams sa mundo.
Palagay ni huhi sa Anathema Chains
Solidong ginampanan ng support player ang kaniyang role sa salpukan ng 100T at Team Liquid. Ngunit napansin ng mga miron na kulang siya ng isang item na priority pick up ni CoreJJ. Iyon ang Anathema’s Chains.
Noong tinanong kung bakit hindi siya buuo ng Anathema’s Chains, tapat ang sinabi ni huhi tungkol dito.
“I actually forgot that it was a thing during the game,” inamin ni 100 Thieves huhi. “I built Zhonya’s Hourglass as my first item since the enemy had lots of AD damage.”
Kasalukuyang hawak ng 100 Thieves ang magilas na 24-9 record sa 2021 LCS Summer Split. Haharapin nila ang Golden Guardians sa July 10, 8 a.m, GMT +8.
Saloobin ni huhi sa Anathema Chains
Solidong ginampanan ng support player ang kaniyang role sa salpukan ng 100T at Team Liquid. Ngunit napansin ng mga miron na kulang siya ng isang item na priority pick up ni CoreJJ. Iyon ang Anathema’s Chains.
Noong tinanong kung bakit hindi siya buuo ng Anathema’s Chains, tapat ang sinabi ni huhi tungkol dito.
“I actually forgot that it was a thing during the game,” inamin ni 100 Thieves huhi. “I built Zhonya’s Hourglass as my first item since the enemy had lots of AD damage.”
Kasalukuyang hawak ng 100 Thieves ang magilas na 24-9 record sa 2021 LCS Summer Split. Haharapin nila ang Golden Guardians sa July 10, 8 a.m, GMT +8.
Panoorin ang aksyon sa official 2021 LCS Summer Split Twitch at YouTube channels.