Ang original na article ay isinulat ni Robin Lin, content creator para sa Talon Esports.
Mula sa pagiging streamer hanggang sa world stage
Ang simula ng League of Legends career ni Su “Hanabi” Chia-Hsiang ay isang bagay na pinapangarap ng marami. Kinuha ng LMS powerhouse na Flash Wolves, ang dating Mid Lane na Yasuo/Zed two-trick ay nag-Top Lane para makuha ang LMS 2018 Spring title at mag-qualify para sa 2018 Mid Season Invitational.
Sa Germany at sa Paris, nakalaban ni Hanabi ang pinakamahuhusay na players sa buong mundo. Mula sa paglalaro sa harap ng libo-libong fans, ang 17 anyos na streamer ay naglalaro na sa harap ng milyon-milyong viewers sa loob lamang ng kalahating taon.
At dumating ang kadiliman.
Pagsali sa Talon Esports
Ang hindi magandang performance ng LMS sa Worlds 2018 at ang lumalakas na ekonomiya ng karatig rehiyon sa LPL ay nagresulta sa pag-alis ng mga Taiwanese pros sa LMS patungong China.
Kinuha ng Chinese Exodus mula sa Flash Wolves sina Coach Chen “WarHorse” Ju-Chih, Mid Laner Huang “Maple” Yi-Tang at Support Hu “SwordArt” Shuo-Chieh.
Para kay Hanabi, ang pag-alis nila ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanyang support system. Sina Maple at SwordArt ay dalawang beteranong gumabay at kumupkop sa kanya. Naiwan ang Flash Wolves na natatarantang makahanap ng kapalit ng mga umalis na players at staff/
Nagkaroon si Hanabi ng self-doubt. Naisip nya na kung ginalingan niya sana sa Worlds, hindi aalis ang mga tinuring nyang brothers-in-arms.
“I played poorly. I think their (Maple, SwordArt) departure from Flash Wolves may be due to me,” sabi ni Hanabi.
Noong 2018, pinunan ni Hanabi ang kakulangan na naiwan ng kaniyang mga kaibigan. Ngayon ay isa nang beterano, siya ang namuno sa Flash Wolves patungo sa isa pang Spring title at MSI appearance pero nabigo syang mapanatili ang lakas ng kanyang team sa Summer, sa kabila ng maganda nyang performance.
Nagdala ng bagong simula ang 2020. Sa pagsali nya sa Talon (na kinalaunan ay nagging PSG Talon), Malaki ang naitulong ni Hanabi sa organisasayon para ma-secure ang una nitong PCS title sa kanilang debut season.
Nagpatuloy ang kanilang magandang performance sa Summer, nag-Top 12 sila sa Worlds sa kabila ng mga di inaasahang pangyayari, tulad ng visa issues, at last-minute substitutes.
Ang pagkakaroon ng 17-1 record
Itong taon na ‘to, pumasok si Hanabi sa PCS competitive season na may bagong kapasidad. Muli nyang nakasama ang dating teammate na si Maple, si Hanabi ay isa nang member ng star-studded PCS super team.
Tinapos ng team ang regular season na may 17-1 record, at nakakabilib na 15 game win streak. Pero sa kanila ng magandang ipinamalas ng PSG, nakikita ng mga casters at fans si Hanbi bilang ang pinakamahina sa team. Mababa ang kanyang laning statistics, gayun din ang kanyang combat statistics. Malayo sya sa limelight, dahil namamatay agad siya bago pa makarating sa highlight ng mga plays.
Subalit ang hindi nakikita ng mga fans, ang success ng PSG Talon ay nakasalalay sa play ni Hanabi.
Katapat ang pinakamagagaling na Mid at Bot Lane sa rehiyon, ina-absorb ni Hanabi ang pressure para makapag-farm at scale ang kanyang team.
Sa simula pa lang ng pick ban phase, nasa weakside na si Hanabi. Ang kanyang counterpick rate (ang rate kung saan pumipili sya ng champion pagkatapos ng kanyang lane opponent) ang pinakamababa sa lahat ng starting Top Laners sa PCS na nasa 24%.
Dahil dito, nakakapag-counterpick ang kanyang teammates sa Mid Lane, Jungle, at kung minsan, Bot. Ito ang dahilan kung bakit matataas ang Counter Pick Rate nina Maple at River kumpara sa mga kaparehas nila ng posisyon.
Sa game, si Hanabi ang taga-absorb ng pressure at nagagawa nya itong mabuti.
Kahit na medyo mababa ang kanyang CS sa laning phase, hindi naman ito nalalayo sa kanyang counterpart.
Sa katunayan, sa kabila ng mababang Counter Pick Rate, si Hanabi ang may pinakamataas na CSPM na 8.5. Ibig sabihin nito ay kaya nyang pumantay o Manalo laban sa Counter Pick.
Madalas syang nakikita ng mga fans na namamatay dahil sap ag-overextend, or nagiging biktima ng tower dive sa mga push.
Pero ang hindi nila nakikita ay kung gaano kakalkulado ang mga pagkakamaling ito sa side ng PSG Talon. Halos lagi silang nakakakuha ng magandang objective trade o map control sa bawat disadvantage ni Hanabi.
Sa unang matchup game laban sa Beyond Gaming, na-solo kill si Hanabi dahil sa di niya maayos na pag-contest ng minion wave. Subalit nakabawi sya para sa isang slow push sa isang losing matchup, kaya nagpakita ang Beyond Gaming Jungler sa Top para sa isang play.
Nakuha pa ring ma-secure ng PSG Talon ang unang Dragon sa kabila ng pagkakaroon ng mahinang early game composition at Jungler. Nagawa nila ang parehong map trade para sa ikalawang Dragon, na nagbigay ng sapat na oras at space para sa kanilang mga hyper carries na makapag-scale at maging online.
Sa MSI, mabigat ang kakaharapin ni Hanabi.
Sa Group B, si Ifran Berk “Armut” Tükek ng MAD Lions ang kanyang makakatapat. Sa labas naman ng Group B, sina Kim “Khan” Dong-ha ng Damwon KIA at Li “Xiaohu” Yuan-Hao ng Royal Never Give Up ang mga magiging malaking hamon para sa kanya.
Ang tatlong players na ‘to, sa kabila ng magkakaibang play styles, ay mga oppressive laner na may mataas na Jungle attention. Para makalayo ang PSG sa tournament, kailangan na naman ni Hanabi na mag-step up para ma-absorb ang pressure at ma-neutralize ang kanyang Top Lane copunterpart ano man ang mangyari.
Ang PSG Talon ay kasalukuyang lumalaban sa MSI 2021. Sa oras ng pagsusulat nito, ang team ay 4-2 sa Group B at nag-qualify na para sa Rumble Stage.