Natapos ang unang linggo ng Summer Split ng 2021 League of Legends Championship Series kung saan nangunguna ang FlyQuest salamat kay Eric “Licorice” Ritchie.

Sa kabila ng 8th place finish sa pagpasok ng Summer, binuhat ni FlyQuest Licorice ang kanyang team sa isang solid na 2-1 match record sa Week 1, kung saan tinalo nila ang Counter Logic Gaming at Evil Geniuses.

Ang palagay ni FlyQuest Licorice kay Gwen

Bilang unang player na nag-draft kay Gwen sa isang LCS Game, naghari si Flyquest Licorice si CLG dahil sa kanyang advanced solo skills.

Pagkatapos ng game, ipinaliwanag ni FlyQuest Licorice kung bakit isang pick-or-ban champion si Gwen sa kasalukuyang competitive scene.

“She just seems too strong once she finishes a couple of items,” sabi ni Licorice. “With the W (Hallowed Mist) and Zhonya’s Hourglass, you can’t really fight back so it’s quite frustrating to play against.”

Sa paggamit ng teammate nyang si  Brandon “Josedeodo” Villegas ng Viego sa kanilang match, binanggit ng top laner na hindi dapat i-prioritize ang Ruined King katulad ni Gwen sapagkat maraming teams pa, kabilang ang FlyQuest, ang nangangapa kung paano gamitin nang mabisa ang champion.


Pinakabagong improvements sa FlyQuest

LeagueOfLegends 2021 LCS Summer FlyQuest Stage Week1
Credit: Riot Games via ESPAT

Nang tanunging tungkol sa pagkakaiba ng dalawang splits, sinabi ni Licorice na mas mabuti ang in-person training sessions kumpara sa dati na online lang sila naglalaro.

“The whole org feels a lot more structured this time around and I think part of that is because we’re in person and they have more access to us,” sabi ni FlyQuest Licorice. “We’re just trying to have a good team environment so that we can do really well.”

Sinabi rin ng FlyQuest top laner na may wastong day-to-day schedule na ang squad at kasama na rin dito ang kanilang lingguhang team bonding activities.

Si Licorice bilang tumatayong team leader

LeagueOfLegends 2021 LCS Summer FlyQuest Licorice ThumbsUp
Credit: Riot Games via ESPAT

Bilang de facto veteran ng FlyQuest 2021, inihayag ni Licorice ang kaniyang pagsusumikap na tumayong leader at gabayan ang kanyang team upang mgakaroon ng magandang performance sa Spring.

Imbis na isipin na isang obligasyon ang pagiging leader, mas pinili nyang gawin ang kanyang parte bilang isang maaasahang team player.

Ipinaliwanag ng top laner na ginamit nya ang offseason para mag destress at magbasa-basa upang mapalawak ang kanyang kaalaman. At dahil personal nang nagkikita-kita ang team, mas nakakapagbigay sya ng opinion sa mga reviews at nagkakaron sya ng pagkakataon na talakayin ang mga reviews paminsan-minsan.

“I think I have the best idea of what winning League of Legends looks like out of my teammates,” sabi ni FlyQuest Licorice. “I just want to make sure that I can bring that knowledge to the table and help us succeed as a team.”

Komento ni Licorice sa bagong LCS format

Bilang isang team na nagtapos sa bandang ibaba ng Spring leaderboard, nagbigay si FlyQuest Licorice ng opinion ulo; sa bagong connected split format ng LCS.

“Personally, I don’t like the change, but that’s because I’m on the nasty end of it,” pahayag ng top laner. “As far as it’s a good rule change or not, I have no idea.”

Ipinaliwanag ni Licorice na hindi dapat makaapekto ang bagong format sa tsansa nilang makapasok sa Worlds 2021. At dahil walong teams ang kukunin sa 2021 LCS Summer Split playoffs, naniniwala syang kailangan lang ng FlyQuest na maging pinakamagaling na team sa postseason, kahit ano pang standings ang meron sila.

Mapapanood ang mga matches sa official LCS Twitch at YouTube channels.