Maganda ang ipinakita ng FlyQuest sa Week 6 ng LCS Summer Split.

Sa kabila ng hirap ng kanilang pakikibaglaban sa hulihan ng leaderboard, nakakuha ng tatlong malalaking panalo ang #ShowcaseGreatness squad laban sa Cloud9, Counter Logic Gaming, at Immortals.


Lumalakas ang pwersa ng FlyQuest sa 2021 LCS Summer Split

LeagueOfLegends 2021 LCS Summer Week6 FlyQuest Triple
Credit: Riot Games via ESPAT

Kasunod ng biglaang pag-alis ng beteranong top laner na si Eric “Licorice” Ritchie para lumipat sa Golden Guardians, pinasya ng FlyQuest na ilaban ang buong Academy squad sa Week 6 ng 2021 LCS Summer Split.

Bagamat kaduda-duda ang mga pagbabago sa kanilang match laban sa Cloud9, kabilang sa Academy lineup ang mga seasoned LCS players tulad nina Colin “Kumo” Zhao, David “Diamond” Bérubé, at mga rising stars na sina Frank “Tomo” Lam, and Stephen “Triple” Li.

Mahigit pa sa inaasahan ang ipinamalas ng promoted squad, matinding laban ang ibinigay nila sa stacked roster ng C9. Sa isang late game clash, isang magandang ace ang nagawa ng Lucian ni Triple, dahilan upang makakuha sila ng libreng Baron.

Sa kagustuhang tapusin na ang laban, sumugod si Triple kasama ang FLY crew upang dalhin ang laban sa base ng C9 kung saan kinuyog nila ang Varus ni Jesper “Zven” Svenningsen.

Bagamat napitas ng Akali ni Ibrahim “Fudge” Allami ang Leona ni Diamond, mabilis namang gumanti ng kills ang FlyQuest bago tuluyang pinuntiryahin ang Nexus.

Bilang isang dating C9 Academy member, itinuring ni Tomo ang series bilang isang paraan upang patunayan ang kanyang sarili sa dati nyang organisasyon.

“It feels incredible because I remember playing internals with them, and getting destroyed in the bot lane every single game,” sabi ni Tomo. “It actually feels great to beat them when it actually mattered.”

Binitbit ng FlyQuest ang panalong ito sa kabuuan ng Week 6, tila himalang bumangon mula sa kanilang ten game losing streak ang team na kasalukuyang may perfect week.


Mga saloobin ni Tomo sa paglalaro sa LCS

LeagueOfLegends 2021 LCS Summer Week6 FlyQuest
Credit: Riot Games via ESPAT

Tila mahirap at nakakatakot na Gawain para sa mga promoted players ang maglaro sa 2021 LCS Summer Split, pero naramdaman ni Tomo na ang desisyon ng FlyQuest na paghaluin ang roster ang tumulong sa kanila upang maging handa para sa mas malalaking laban.

“We were playing internals frequently for the past two to three weeks,” sabi Tomo. “It was a long time coming.”

Unang sumabak ang FLY bot laner noong Week 4 ng 2021 LCS Summer Split laban sa Golden Guardians.

Sa kabila ng mabigat na pagkatalo, dito nawala ang kaba sa dibdib ni Tomo, dahilan upang maging handa sya para sa laban sa Cloud9.

Bukod sa pagkakaroon ng focused mindset, naniniwala si Tomo na nakatulong din sa kanilang tagumpay ang full squadron rotation.

“As an Academy team, we perform really well together,” komento ni Tomo. “I’m happy that we all got to play on the stage together.”


Nakakabuti ang Academy para sa mga LCS players ayon kay Diamond

LeagueOfLegends 2021 LCS Summer Week6 FlyQuest Diamond
Credit: Riot Games via ESPAT

Sumali si Diamond sa diskusyon tungkol sa roster swap sa 2021 LCS Summer Split, at nagsabing ang mga pagbabagong ginawa ng FlyQuest ay nakakabuti para sa LCS at Academy squads.

Para kay Diamond at sa mga Academy boys, ang kanilang paglalaro sa LCS ang pinakamagandang paraan upang maipakita ang bunga ng kanilang pagpupunyagi, at makita ang pagbabago sa kanilang laro.

Naniniwala si Diamond na nakabuti sa kanya ang paglipat sa Academy dahil nakatulong itong maisaayos at mapabuti ang kanyang gameplay mula noong  Spring.

“If you’re an LCS player, going back to Academy is not always bad,” nilinaw ni Diamond. “You can get your footing back and gain confidence.”

Panoorin ang mga matches live sa official LCS Twitch at YouTube channels.