Ipinakita ng FlyQuest ang pinakabagong pagkilos nito para sa LCS 2021 Summer season, ang SunnyQuest. Ito na ang ika-apat na Go Green initiative ng grupo matapos ang BeeQuest nila noong Spring.

“Climate change is a real and dangerous threat, not only to us but to all life on the planet,” sabi ni FlyQuest CEO Tricia Sugita. “With SunnyQuest, we wanted to bring the climate change conversation to the forefront of the esports ecosystem.”

Pano gagana sa competitive pro play ang SunnyQuest

Itatahi ng FlyQuest ang environmental efforts sa mga laro nila sa League of Legends.

Sa kabuuan ng summer season, magko-contribute ang LCS at Academy teams ng FLY sa American Solar Energy Society (ASES), isang organisasyon na naglalayong pabilisin ang pag lipat sa renewable energy upang mabawasan ang carbon emissions sa Amerika.

Magdo-donate ang FlyQuest ng:

  • $1 kada kill ng mga FlyQuest players
  • $10 kada Ocean Drake na makukuha ng kahit anong team sa mga laro ng LCS o Academy
  • $100 kada panalo ng mga Fly Quest teams

Presko ang dating ng FlyQuest sa bagong SunnyQuest merch

Bukod sa kanilang summer-themed initiative, maari ring maki-ambag ang mga fans sa pagbili ng bagong SunnyQuest merch.

Ang buong koleksyon ay gawa sa 25% recycled material, kung saan isang bahagi ng mga pinagbentahan ay mapupunta sa ASES.

Makikita ang bagong logo ng FlyQuest bilang pasikat na araw sa ibabaw ng Mt.Fuji sa bagong 2021 SunnyQuest jersey.

Lalarga ang FlyQuest sa una nilang LCS Summer match kontra Counter Logic Gaming sa June 5, ika-10 ng umaga. Mapapanood ito live sa official LCS Twitch channel.