Isang real estate entrepreneur, yoga instructor, at ngayon photographer? Meron pa bang hindi kayang gawin si Lee “Faker” Sang-hyeok?

Laging gumagawa ng paraan ang T1 veteran midlaner para magkaroon ng bagong hobby kahit pa sa kasagsagan ng isang international tournament.

Habang ginaganap ang kanilang team photosoot sa League of Legends Mid-Season Invitational (MSI 2022), inilabas ni Faker ang kanyang phone at mahusay na kinuhanan ng litrato ang kanyang mga kakampi.

Bilang beterano, pinagsisikapan niyang mailagay ang kanyang mga nakababatang kakampi sa spotlight. Sa isang nakalipas na vlog, kinausap pa niya si Choi “Zeus” Woo-je patungkol sa kung ano ang kailangan para maging isang superstar.


Nagsilbing unofficial team photographer si Faker sa MSI 2022 photoshoot

Matapos makita si Zeus na nagpo-pose, pumasok si Faker sa eksena bilang bagong head photographer. Nakakamangha ang photo composition ng Korean LoL star dahil na-frame niya si Zeus sa pagitan ng dalawang puno at kinuhanan ito sa iba’t-ibang anggulo at orientation.

Dahil batak na sa mga player photoshoot, sinabihan niya ang kanyang kakampi ng ilang pamilyar na linya tulad ng “shoulders straight” at “stand tall” para makuha ang best shot.

Pero ang nakakatawang parte ay nakalimutan ipakita ni Faker kay Zeus ang mga picture na kinuha niya.

Sunod na kinuhanan ni Faker ng litrato ang kung sino pang makita niya, kasama na ang mga actual photographers at ibang mga kakampi maging ang former teammate na si Bae “Bang” Jun-sik.

Nang tanungin kung saan niya ipo-post ang mga litrato, nakakatawa ang naging sagot niya: “I keep them and use them as blackmail material for later.”

Pero kidding aside, sinabi ng T1 star player na itatabi niya ang mga ito at ia-upload sa mga espesyal na araw. Bagamat isa ito sa mga ilang moments kung saan pinapakita niya ang kanyang hilig sa photography, noon pang 2016 nagsimula siyang mag-save ng kanyang shots.

Faker photobook soon? Sana nga magkaroon!

Pwede niyong mapanood ang kabuuan ng T1 vlog sa ibaba:


Makikita ang orihinal na akda ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports sa link.