Hindi talaga tumitigil sa pag-innovate si Faker – sa pagkakataong ito ay sa kanyang sariling Viego build.

Noong unang lumabas ang Ruined King ng League of Legends, sinabi ng Riot Games na isa sa mga key design elements ay siguraduhing makikinabang sya sa sarili niyang in-game item, ang Blade of the Ruined King.

Kraken Slayer ang bagsak ng mga professional at solo queue players bilang Mythic item ni Viego, at Blade of the Ruined King naman bilang unang Legendary item. Maganda ang kombinasyon ng dalawang items, may true damage at percent health damage.


Ang Viego build ni Faker ayon sa kanyang solo queue match history

Ang problema sa default build ni Viego ay masyado siyang malambot, na nagiging problema para sa isang champion na gustong kumuha ng short trades at mag-build up ng Conqueror stacks.

Unang inilabas si Viego para maging jungler, pero mas madalas siyang gamitin sa mid lane, at sa kasulukuyan ay may 51.38% win rate sa mid sa high ELO solo queue ayon sa U.GG.

League Of Legends UGG Viego Build Patch119
U.GG Viego build page
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Dahil ang pangunahin nyang kahinaan ay ang ma-burst down ng mga mages at ibang AD assassins, si T1 superstar Lee “Faker” Sang-hyeok ay gumawa ng build na lulutas sa problemang ‘to.

Nagsimula nyang gamitin si Viego anim na araw nang nakakalipas, nananalo naman si Faker gamit ang Kraken Slayer sa jungle Viego, pero sa mid lamang nya to ginagamit.

Gamit ang kanyang conventional rune setup, na may Conqueror keystone at Resolve sa secondary tree, nagra-rush si Faker ng Immortal Shieldbow sa bawat game.

League Of Legends HideOnBush Faker OPGG Viego MatchHistory
Faker’s “Hide on Bush” OP.GG profile
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Pero ‘di ba immortal naman si Viego?

Dahil maraming AD champions ang nagsulputan sa meta, bumibili si Faker ng Warden’s Mail, pero hindi nya ito ina-upgrade. Ang ikalawang Legendary item ay kadalasang Black Cleaver o Guardian’s Angel.

Sa nakakabilib nitong 67% win rate sa solo queue, makikita kaya natin ang kakaibang Viego ni Faker sa LCK Summer?

Nauuso na ang Viego build ni Faker

Habang ang mga LEC players tulad nina Rasmus “Caps” Borregaard Winther at Martin “Wunder” Nordahl Hansen ay patuloy na gumagamit ng conventional build path ni Viego, maraming LCK mid laners naman ang nakakapansin sa innovation ni Faker.

League Of Legends ProBuilds Viego Build
Probuilds.net Viego page
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Sina Jeong “Chovy” Ji-hoon ng Hanwha Life Esports at Gwak “Bdd” Bo-seong ng Gen.G ay natagpuang nage-experiment gamit ang Immortal Shieldbow at iba pang defensive items.

Panoorin ang break down ni Drew “Midbeast” TImbs sa mid lane Viego gameplay ni Faker: