Bagamat nahulaan na niya kung ano ang mangyayari sa MSI 2021 Rumble Stage game bago pa ito magsimula, ang jungler ng MAD Lions na si Elyoya ay nagbigay pa ng insight tungkol sa League of Legends Championship Series (LCS) at sa iba pang mga rehiyon.
Nakita kung paano naglaban ang Cloud9 at MAD Lions sa Day 1 ng inaabangang North America (NA) vs Europe (EU) matchup sa isang best-of-one series.
Pinagusapan ni Elyoya ng MAD Lions ang mga regional gaps
Ilang oras bago magsimula ang NA vs EU match sa Mid-Season Invitational, alam na ni Javier “Elyoya” Batalla ang magiging resulta. Ang unang laban malapit sa Baron Nashor pit ay nagpakita ng supremacy ng League of Legends European Championship, na pinangungunahan ni Elyoya ng MAD Lions.
Sinimulan ni İrfan “Armut” Tükek’s Sylas ang teamfight sa pamamagitan ng paggamit ng Abscond/Abduct, at sinundan ng Kingslayer at Chain Lash.
Risky play ito, kaya kinailangan niyang mag-flash papalayo sa combined damage ng Rumble ni Robert “Blaber” Huang, ang Sion ni Ibrahin “Fudge” Allami, at ang Kindred ni Luka “Perkz” Perković.
Ngunit iniligtas ng Udyr ni Elyoya ang laro gamit ang kaniyang timing na stuns laban kay Perkz at Fudge, at ito ay nagbigay ng ilang segundo para makatas sa kamatayan sina Armut at ang Lucian ni Marek “Humanoid” Brázda, at matapos nito, nagdulot pa siya ng triple kill.
Natapos ang laro nang may panalo mula sa MAD Lions, at ito ang nag-kick off sa kanilang MSI 2021 Rumble Stage debut dahil sa kanilang back-to-back victories laban sa Cloud9 at Pentanet.GG.
Habang iniisip ang playstyle ng buong Cloud9 sa match, ipinaliwanag ni Elyoya ng MAD Lions ang kapansin-pansin na gap sa pagitan ng apat na main leagues – LPS, LEL, LPL, at LCK.
“EU is one step behind China and Korea in terms of structure and teams,” sinabi ni Elyoya sa ONE Esports. “China’s top five teams are really, really, really good. (LPL) is really stacked because of this and that’s a big difference.”
Mas magaling nga ba talaga ang EU kaysa sa NA?
Pagdating sa NA region, tingin ni Elyoya na mas mahina ang LCS kaysa sa LEC, at ang top three na teams ng LEC ay kayang-kaya talunin ang Cloud9.
“We had the game in our favor since the beginning, but it should not have been this one-sided,” ipinaliwanag ni Elyoya. “NA is one step behind other regions.”
Rito, ibalik mo na si Qiyana
Nakita na ng mga international fans ang kahanga-hangang performance ni Elyoya gamit ang mga kampeon na sina Morgana, Rumble, at Volibear, but gusto ng batang jungler makita magbalik si Qiyana sa meta.
“When Riot released this champion, I played it a lot on jungle and even had a 100% win rate in my previous year in the Spanish league. She’s really fun to play, and lets you do many creative things,” sabi ni Elyoya ng MAD Lions.