Dalawang magkaibang mundo ang Teyvat at Runeterra, pero napagsanib ito ng isang diehard fan nang biglang lumabas si Layla ng Genshin Impact sa opisyal na broadcast ng pinakamalaking turneo ng League of Legends.

Ang LoL World Championship 2022, o Worlds 2022, ay idinaraos ngayon sa North America. Pinaglalabanan ngayon ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon ang Summoner’s Cup, at sa kauna-unahang pagkakataon, maaari na itong tunghayan nang live matapos ang dalawang taong walang live audience.

Paminsan ay nahahagip ng camera ang mga miyembro ng audience namay hawak na sign na nagpapakita ng champions mula sa laro o memes tungkol sa player. Noong unang Group Stage match sa pagitan ng DRX at GAM Esport, dito na nakita sa stream si Layla ng Genshin Impact.

Layla ng Genshin Impact, ipinakita ng isang fan sa Worlds crowd shot

Tampok sa larawan si Layla ng Genshin Impact kaakibat ang isang mensahe na nagsasabing, “BeryL get this!”

(BeryL, kunin mo ‘to!)

Si Cho “BeryL” Geon-hee ay ang support player ng DRX, na nagkataon ay fan na fan din ng naturang online RPG. Sa katunayan, naglustay pa nga ang LoL player ng halos US$7,000 sa primogems, at inamin pa niyang si Raiden Shogun ang kanyang paboritong karakter.

Layla ng Genshin Impact, may pa-surprise appearance sa Leauge of Legends World Championship
Credit: LCK

Hindi ito ang unang beses na naramdaman ang Genshin fever sa entablado ng Worlds. Last year lang, pinuno ng Ganyu fans ang opisyal na Twitch stream ng turneo ng mga tanong tungkol sa susunod na banner run ng Cryo archer.

Bagamat isang meme lang ‘to sa napakaraming LoL supporters, patunay pa rin ito na hindi imposibleng magkrus ang landas ng dalawang fandoms.

Nakatakdang ilabas si Layla kasabay ng Dendro Archon Nahida.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3-time Dota Major winner na si MidOne, Genshin Impact whale din