Matapos ang isang buwan na intense na paglalaban sa League of Legends, nais magpahinga ni DRX BeryL sa pamamagitan ng kaniyang mga paboritong gacha games.
Kilala ang DRX support player na si Cho “BeryL” Geon-hee sa kaniyang hilig sa online RPG, Genshin Impact. Matapos nilang manalo sa Worlds 2020, ginastos niya ang US$7,000 ng kaniyang kinita sa Genshin microtransactions. Noong Worlds 2021, nabanggit niya na si Raiden Shogun ang kaniyang paboritong character.
Ngayong taon, nahawa na rin sa Genshin craze ang kaniyang mga diehard fans. Noong Worlds 2022 Group Stage, isang DRX supporter ang nag-flash ng isang letrato ng paparating na character na si Layla na may caption na, “BeryL get this.” Nakita ito ng player habang tinitignan ang kaniyang mga matches at nagpasalamat siya sa fan na iyon.
Sariwa pa sa kaniyang world championship victory, pinaplano na ng two-time world champion ang kaniyang susunod na gacha adventure.
Hindi makapaghintay makauwi si DRX BeryL para mag-roll para kay Nahida ng Genshin Impact
Ilang araw matapos ang tournament, ibinahagi ni BeryL ang kaniyang mga plano sa isang Korean stream chat.
“I’m going to Korea right away. I have to roll for Nahida,” sinulat niya sa Korean. Maari mong basahin ang kaniyang full chat log sa Weibo post na ito.
Dati nang nagkaroon ng isyu si DRX BeryL sa pag-access ng kaniyang account na naka-rehistro sa ibang rehiyon.
Si Nahida ang pinakabagong 5-star character sa Genshin Impact at naka-banner hanggang November 18. Ang maliit na catalyst user na ito ay si Dendro Archon, at siya ang pang-apat na playabale Archon matapos kay Raiden Shogun ng Inazuma.
Tinuturing siya bilang pinakamalakas na Dendro character ng laro. Ang kaniyang instant application ng Dendro ay hinahayaan ang mga players na makapag-layer ng Dendro reactions tulad ng Bloom at Catalyze na maaring maka-wipe out ng mga kalaban.
Tignan ang character profile ni Nahida dito.
Nais I-disenyo ni DRX BeryL ang kaniyang Worlds 2022 skin matapos sa isang Honkai Impact character
May ibinahagi na nakakatawang kwento si DRX BeryL tungkol sa disenyo ng kaniyang Worlds 2022 skin. Sinabi ng pro player na pinili niya si Ashe para sa kaniyang skin kahit na napakarami na niyang skins sa kaniyang arsenal.
Sa kaniyang nais na ipakita ang kaniyang pagmamahal sa Honkai Impact 3- isa pang gacha game ng HoYoverse – hiniling niya sa mga designers kung maari bang I-modelo ang kaniyang Ashe skin matapos ang isang character na galing sa ibang video game, kung saan naman siya ang pinayagan.
“I shyly showed them a picture of Elysia. Every time I see her design, it looks so nice,” sinulat niya. “I got publicly executed.”
Si Elysia ay isang playable character sa Honkai Impact 3. nagumpisa ang fifth anniversary ng Honkai noong October 29, at maari siyang makuha ng mga users nang libre sa kanilang pag-log in.