Patuloy na pinapabilib ng MAD Lions jungler na si Javier “Elyoya” Prades Batalla ang LEC at mga international fans sa 2021 League of Legends Mid-Season Invitational (MSI) sa kanilang game laban sa paiN Gaming sa Day 3 ng Group Stage.

Ang support player na si Norman “Kaiser” Kaiser ang nag-initiate ng dragon steal nang ibato ng kanyang Thresh ang lantern nito sa dragon pit.

Matapos ay ginamit ng Morgana ni Elyoya ang Blast Cone para makatalon papasok sa dragon pit kung saan nandun ang tatlong heroes ng paiN Gaming, ang Olaf ni Marcos “CarioK” Santos de Oliveira Junior, ang Jinx ni Felipe “brTT” Gonçalves, at ang Tahm Kench ni Han “Luci” Chang-hoon, na walang kamalay-malay sa mangyayaring dragon steal.

Sa isang iglap, nagpakawala ang Morgana ni Elyoya ng Tormenterd Shadow, at sa huling sandali, ginamit nya ang smite sa Infernal Drake para makumpleto ang dragon steal, at makuha ang napakahalagang buff para sa kanyang team.

Pagkatapos ng napakalinis na dragon steal, ginamit nya ang Dark Binding ni Morgana, na tumama sa Oalf ni CarioK, at tumakas gamit ang lantern ng Thresh ni Kaiser, sa loob ng wala pang isang Segundo.

Sa lakas ng kanilang teamwork, ito ang tinataawag nyang “Elyoya gap”.

Ang nakakabilib na dragon steal ni Elyoya ang nagbigay sa MAD Lions ng early game advantage, na nauwi sa kanilang pagkapanalo laban sa paiN Gaming. Ang League of Legends European Championship (LEC) Spring Champions ay nananatiling undefeated sa MSI Group Stage kasama ang 2018 MSI champions na Royal Never Give up at 2020 Worlds champions DWG KIA.

Ang susunod na laban ng MAD Lions sa MSI Group Stage ay sa Day 5, Monday, May 10, 9:00 PM. GMT+8. Magtutuloy-tuloy kaya ang panalo nila?