Ang highlight ng 2021 LEC Summer Split Weel 5 ay ang laban sa pagitan ng Misfits Gaming at Astralis, kung saan tampok ang clutch backdoor play ni Magi Felix.
Panoorin ang nakakabilib na MagiFelix backdoor play na ito
Pinabilib ng Astralis mid laner na si Carl Felix “MagiFelix” Bostrom ang lahat sa kanilang match laban sa Misfits Gaming sa League of Legends European Championship (2021 LEC Summer Split).
Tatapusin na sana ng Misfits Gaming ang laban nang mapasok nila ang base ng Astralis sa 42-minute mark ng game. Outnumbered din ang Astralis, apat lang sa kanila ang natitira para dumepensa.
Gayunpaman, pagka-respawn ng Sylas ni MagiFelix, nag teleport agad mid laner papunta sa bottom lane upang tangkain mag-backdoor.
Nang masira nya ang unang Nexus turret ng Misfits Gaming, naubos na ng bunny team ang kanyang mga teammates sa kabilang dulo ng mapa.
Pero hindi natinag dito si MagiFelix.
Ang Akali ni Vincent “Vetheo” Berrié ang unang rumesponde sa eksena. Na-steal ni MagiFelix ang Perfect Execution ni Vetheo upang labanan ito nang sabayan.
Sinundan nya ito ng Abduct, tapos ay in-activate nya ang Everfrost para pigilan sa pagpalag si Vetheo hanggang sa tuluyan nya itong tapusin.
Exposed na ang Nexus ng Misfits Gaming sa puntong ito. Sinubukan ng Leona ni Oskar “Vander” Bogdan na pigilan si MagiFelix sa pamamagitan ng pagbato ng lahat nang kanyang cc abilities. Subalit ilang hits na lamang ang kinailangan upang makumpleto ang MagiFelix backdoor play para tapusin ang laban.
Dahil sa backdoor play ni MagiFelix, nagtagumpay ang Astrlis laban sa Misfits Gaming, at pumwesto sa sixth place na may 5-6 record, kapantay ng Team Vitality.
Performance ni Astralis MagiFelix sa 2021 LEC Summer Split
Si MagiFelix (o Magifaker sa mga fans at casters) ay kasalukuyang nasa ikatlong pwesto sa lahat ng mid laners 2021 LEC Summer Split pagdating sa total kills (45), at average damage to champions per minute na 529.
Bago pumasok sa LEC, nanguna si MagiFelix sa EUW leaderboards gamit ang hindi lang isa, kundi multiple League of Legends accounts.
Kakaharapin ni MagiFelix, at ng kanyang team na Astralis, ang Fnatic sa Sabado, July 17, 3:00 a.m. GMT+8.
Panoorin ang 2021 LEC Summer Split live sa official LEC Twitch at YouTube channels.