Sa Week 4 ng 2021 LCS Summer Split nasaksihan ang pagbabalik ni Jesper “Zven” Svenningsen ng Cloud9.

Pagkatapos ng 0-3 drought noong nakaraang linggo, napagdesisyunan ng org na ipalit si Cloud9 Zven kay Calvin “k1ng” Truong bilang starting AD carry. Huling naglaro ang Danish player para sa LCS squad noong 2021 Mid-Season Invitational.

Ang pag-arangkada ni Cloud9 Zven sa LCS Summer

Sa unang araw ng pagbabalik ni Zven, nahirapang sumabay ang team sa bagong Golden Guardians squad. Nakuha ng GGS ang Infernal Soul at sumugod sa Baron, pero natunugan ito ng C9 sa tulong ng blue trinket, at nagpang-abot sila sa river.

Nagpakawala ng isang napakagandang Equalizer ultimate ang Rumble ni Robert “Blaber” Huang sa labas ng Baron pit. Ito ang nakapagbigay sa Cloud9 ng ace, ng Baron, at ng comeback win.

Bagamat nagtamo ng mabibigat ng talo ang C9 sa kamay ng mga kasalukuyang league leaders na 100 Thieves, nagawa namang baliktarin ni Zven at ng squad ang kanilang match laban sa Counter Logic Gaming.

Ang Nocturne ni Luka “Perkz” Petrovic at Diana ni Blaber ang mga nanguna sa huling team fight, kung saan agad na nabura sa mapa ang Tristana ni Jason “WildTurtle” Tran’s Tristana at Vi ni Mads “Broxah” Brock-Pedersen.

Gamit ang 3v5 advantage, hinabol ng Cloud9 ang mga natitirang CLG players para sa ace at para kunin ang pangalawa nilang panalo para sa Week 4.


Ang pinakamalaking pagbabago sa C9 ay ang team dynamics

LeagueOfLegends LCS 2021 Summer Cloud9 Week4-
Credit: Riot Games via ESPAT

Bagamat lubos na inaasahan ang kanyang pagbabalik, napansin ni Cloud9 Zven na maraming pagbabago ang nangyari sa team.

Bukod sa kailangan nilang mabuong chemistry, napansin din ng AD carry na napalayo na sila sa bot lane. Noon sa Spring at MSI, ang playstyle ng Cloud9 ay nakasalalay sa kanilang draft, ano pa man ang role ng player.

“The team is heavily focused on solo lanes these days, and that’s also kind of the meta,” sabi ni Cloud9 Zven. “The meta is centered around the bruisers like ViegoSett, and Lee Sin.”

Sa kabila ng pagbibigay ng team ng mas mababang priority sa bot lane, naniniwala si Zven na ito’y isang natural na pagbabago na makakatulong sa team na mas maunawaan ang kasalukuyang meta.


Ibinahagi ni Zven ang kaniyang mga karanasan sa Academy

LeagueOfLegends LCS 2021 Summer ZvenSitting
Credit: Riot Games via ESPAT

Ang beteranong AD carry ay nagtagal ng tatlong linggo sa Academy, kung saan lumaban sya sa mga nakababatang prospects para sa NA region.

Binanggit ni Cloud9 Zven na ang developmental league ay less intense, pero ramdam nyang para pa rin syang LCS player kung maglaro, at hindi sya nahirapan sa kanyang pagbabalik sa kanyang dating squad.

Bagamt hindi ang Academy ang pinakamagandang sitwasyon para sa kanya, nakita ito ni Zven bilang isang learning experience. Habang ang karamihan ng Academy teams ay naka-focus sa mechanics at laning phase, inudyukan nya ang C9A na mas pagbutihin ang kanilang team coordination.

“I taught the players a lot of things and it improved my leadership skills, for what it’s worth,” sabi ni Cloud9 Zven. “People don’t have good basics and fundamentals, so I try to talk about setting up for a dragon and such. Having an overall plan is going to help you not make unforced errors.”

Bilang isang high-profile player na naglaro sa Academy, nagbigay ng opinyon ang AD carry tungkol sa mga demoted players na dapat muling patunayan ang kanilang mga sarili.

“A lot of people in Academy are okay with just being mediocre,” pahayag ni Cloud9 Zven. “It’s hard to improve to the LCS level while in Academy. It has to be individual people putting more effort than others to stand out.”

Ang Cloud9 ay kasalukuyang may 19-11 record at nakatakdang harapin ang Immortals sa July 3, 9 a.m. GMT+8.

Mapapanood ang mga laban ng live sa official LCS Twitch at YouTube channels.