Sa wakas ay nagbago na ang kapalaran ng Cloud9 matapos ang isang malaking panalo laban sa Infinity Esports sa 2021 League of Legends Mid-Season Invitational.
Matapos ang una nilang panalo sa MSI Groups Stage, ibinahagi ni Luka “Perkz” Perković kay shoutcaster Laure Valée ang kanyang saloobin tungkol sa kanilang pagkapanalo at kasalukuyang mid lane meta.
Bakit Tristana ang pinili ni Cloud9 Perkz
Sa kabila ng malakas na performance sa unang dalawang araw ng MSI, alam ni Perkz na sobrang hirap ng kondisyon na kinahaharap nila. Sumusubok sila ng mga compositions na mahirap i-execute at umaasa lang sa pagkapanalo ng bawat lane.
Sa pagpasok nila sa kanilang match laban sa Infinity Esports, inamin ni Perkz na ang 0-2 na simula nila sa Groups Stage ang nagtulak sa kanila para maging mas-safe. Nang tanungin kung bakit Tristana ang kaniyang pick, sinabi ng mid laner na isa itong easy-to-pick champion na bagay sa kanilang draft.
“Today we just had a comfort composition that we just know we’re going to win if we don’t do anything stupid,” sabi ni Perkz. “I think that’s the biggest difference-maker.”
Ang mid lane meta sa MSI
Pagdating sa meta, napansin ni Perkz na hindi na ang mid lane ang focal point ng team composition.
“I think the mid lane is kind of weak right now,” sabi ng Cloud9 player. “It’s just picking what fits for the composition and usually facilitating your jungler on what he wants to play with.”
Ang komento ni Perkz ay pinapatotohanan ng ibang teams na kasali sa competition, kung saan ang mid lane position ay meron nang labing-limang iba’t ibang champion picks. Kahit sa kaso ni Tristana, maraming naniniwala na mas popular ang mid lane AD champions kaysa mid lane AP champions.
Ipinaliwanag din ng Unicorns of Love mid laner na si Lev “Nomanz” Yakshin ang estado ng mid lane batay sa patch 11.9 ng MSI.
“You will find that Nidalee, Morgana, Rumble, or even Udyr are champions that deal a lot of magic damage and are hot picks in the jungler position,” sabi ni Nomanz. “In a meta that leverages the power of AP-oriented junglers, you have to play mid lane AD champions to add damage to your team or play control mage champions to team up with Udyr and bring an advantage.”
Sa kabila ng mga malaking pagbabago na dala ng patch 11.9, naniniwala si Perkz na Malaki ang tsansa ng Cloud9 na talunin ang ibang teams dahil kapareho ng mga in-meta champions sa MSI ang kanilang usual picks sa 2021 Spring Split.
Haharapin ng Cloud 9 ang Royal Never Give Up sa May 15, hating-gabi GMT+8 sa MSI Rumble Stage.
Mapapanaood ang mga laban sa official Riot Games Twitch channel.