Sa Day 2 ng 2021 Mid-Season Invitational group stage, eksaktong 3 minutes at 24 seconds sa game ng Cloud9 laban sa Detonation FocusMe, hinamon ng Nidalee ni Cloud9 jungler Robert “Blaber” Huang ang Udyr ni Mun “Steal” Geon-yeong sa top river nang mag-flash in ito para i-smite ang Scuttle.
At sa sumunod na walong Segundo, tila mag-isa lang si Blaber.
“But Blaber, be careful! Where is your team?” sabi ng shoutcaster na si David “Phreak” Turley.
Habang papalapit ang mid at top laner ng FocusMe, hindi naman makita sa eksena ang solo laners ng Cloud9. Nang ma-corner sya sa Baron pit at wala nang matakbuhan, si Blaber ang nagbigay ng first blood.
“That is the worst Scuttle take I’ve ever seen in my life!” sigaw ni Phreak.
Ang first blood ni Blaber at kung anong kulang sa Cloud9, ayon kay Fudge
Habang binabalikan ang mga nangyari sa game, ipinaliwanag ni top laner Ibrahim “Fudge” Allami sa ONE Esports na “misunderstanding of the matchups” ang nangyari. Bago pa magsimula ang laro, na-establish na ng team na ang Jayce ni Fudge ang makakakuha ng top lane priority laban sa Gnar ni Shunsuke “Evi” Murase.
I think when Blaber heard that, he pathed top side, and then realized that it’s not that simple,” paliwanag ni Fudge. “I couldn’t leave the lane and hit the Udyr, so he tried to fight the Udyr, and then died.”
Kahit na lamang sa gold ang Detonation FocusMe sa buong laban, pumapalag pa rin ang Cloud9 pagdating sa kills, turrets, at idikit ang gold lead sa 2,300 bago sila ma-ace 30 minutes in.
Sa tingin ni Fudge, kailangan ng Cloud9 na gumamit ng mga champions para matakpan ang kanilang kahinaan, at maging mas agresibo sa mga initiators.
“I don’t really know yet, but I do think there are obviously a lot of weaknesses that we have,” sabi ni Fudge. “[There are] things we don’t take into account when we make decisions, and that’s why we’re losing.”
NA Standards at pag-grow bilang isang pro player
Ang pagtungtong sa international stage sa ikalawang pagkakataon mula noong Worlds 2019 ay naging eye-opener para sa 18 anyos na top laner.
Sa interview ni Travis Gafford kay Fudge noong Day 1 sa Groups, sinabi nya ang pinakamalaking pagkakaiba ng Chinese at Korean top laners sa mga North American at European top laners, “mechanically they play for trades a lot better”.
“Before I came into this tournament, I didn’t realize how bad people were in NA, and how much worse they are,” paliwanag ni Fudge. “In this tournament, you get a reality check.”
Nagsimula si Fudge sa Oceanic Pro League (OPL), bilang player ng MAMMOTH noong 2019 bago sya kunin ng C9 Academy noong 2020, at naging starting top laner ng Cloud9 sa 2021.
Bilang isang pro player na nakapag-compete na sa maraming rehiyon sa iba’t ibang organizations, pinahahalagahan ni Fudge ang isang ligtas at maalagang environment kung saan mararamdaman ng mga players na kailangan at suportado sila. Kapalit nito, naniniwala syang ang mga players ay magiging “much more receptive to feedback overall”.
Kung ikukumpara ang kanyang personal performance ngayon sa unang Lock In tournament ng taon, ramdam ni Fudge na malaki ang in-improve nya sa laning, lalo na pagdating sa CS. Ang pag-master ng mga fundamentals, kasama na ang map awareness at pag-unawa sa ibang mga roles ang nagging importante para sa kanya.
Bitbit ang lahat ng pwedeng matutuhan sa international MSI tournament, tanggap ni Fudge na kailangan nyang mag-adopt ng bagong mentality pagbalik nya sa NA.
“Even if I’m winning, it doesn’t mean I’m playing well,” sabi Fudge. “This mentality — looking for the mistakes even if they’re not obvious — I think is the most important thing once I go back to NA.”
Mahilig ba talaga si Fudge sa fudge? Anong ibig sabihin ng IGN nya?
Ang in-game name ni Fudge ay walang kinalaman sa dessert kahit na ang Twitter handle nya ay @Fudgecakey.
“When I was eight years old, I used to swear the F-word when I got angry, so my dad would always get angry at me,” paliwanag ni Fudge. “And then I started saying ‘fudge’, and that’s the reason why I named myself. I actually don’t really like the food.”
At ito pa, hindi rin nya ideya ang Fudgecakey.
That’s what my brother told me to name myself when I was eight,” natatawang sabi ni Fudge.
Patuloy ang Cloud9 sa kanilang Group Stage run sa MSI 2021 na mapapanood ng live sa official Twitch channel ng Riot Games.