Matapos maging LEC representative ng 2021 Mid-Season Invitational, ang atensyon ng buong Europe ay nakatuon sa MAD Lions. Ang sports journey ng Spain-based squad na dating kilala bilang Splyce ay nagsimula noong nakaraang taon, at unti-unti silang nakilala sa rehiyon.

Nagbahagi sa ONE Esports ng ilang bagay tungkol sa kanyang personal na buhay habang nasa MSI 2021 Group Stage ang pinakabatang myembro ng team, ang 19 anyos na Czech bot near na si Matyáš “Carzzy” Orság.

Si Carzzy ay isang stan ng Blackpink at iba pang K-pop artists

LoL MAD Lions Carzzy
Credit: Lol Esports

Pag hindi sya naglalaro sa solo queue o nagi-stream, abala si Carzzy sa pagbirit ng iba’t ibang kanta.

“I listen to a lot of genres — rap, pop, and even K-pop. I listen to a lot of stuff,” sabi ni Carzzy.

Mahilig si Carzzy sa electronic dance music lalo’t dahil kinakahiligan nya rin ang mga kanta ng mga K-pop girl groups na Twice, Itzy, at siyempre Blackpink.

Kinanta nya pa nga ang “Blackpink In Your Area” kasama ang mid laner na si Marek “Humanoid” Brázda sa isa sa  mga series nila sa LEC Spring playoffs.

Ang paboritong pagkain ni Carzzy ay mula sa kanyang bayan

Bukod sa pagkanta, hilig din ni Carzzy ang tumambay at kumain sa labas kasama ang kanyang mga teammates pag may libreng oras. Bagamat nasubukan nya na ang mga pagkain sa Reykjavik, Iceland salamat sa MSI 2021, wala pa ring dadaig sa mga putahe ng kanyang bayan.

“I’m very picky with food and so far I must say that I don’t like Icelandic food as much as the food from Czech Republic,” inamin ni Carzzy.

League of Legends Carzzy Schnitzel Mark König
Credit: Mark König

Ang kanyang comfort food ay Řízek, o schnitzel sa English. Ito’y isang uri ng tinapay na may karne ng baka, baboy, o manok.

Masaya si Carzzy sa kanyang girlfriend

Paminsan-minsan, makikita ang mga post ni Carzzy tungkol sa kanyang girlfriend na si zuzu (@thatssouwu sa Twitter), pero ang di alam ng marami ay kung paano binago ng COVID-19 pandemis ang kanilang relasyon.

“It’s kinda hard because we haven’t seen each other at all. Right now I think it’s going to be six months since we last saw each other,” ibinahagi ni Carzzy.

League of Legends Carzzy Girlfriend Zuzu
Credit: zuzu

“Usually, we try to meet up at least once a month. Before the COVID-19 pandemic struck, it isn’t as bad as it is right now since my country doesn’t allow any traveling.”

Sa kabila ng pansamantalang pagkalayo, masaya at nagpapasalamat si Carzzy na merong taong nagmamahal sa kanya na sumusuporta sa kanyang mga pangarap at hinahayaan syang abutin ang mga mithiin nya sa buhay.

Ang mensahe ni Carzzy sa kanyang 2020 self

Syempre hindi lang puro masasarap na pagkain, LEC championship titles, at MSI runs ang buhay.

Noong nakaraang taon na marahil ang lowest point ng career ni Carzzy matapos ma-eliminate ang MAD Lions sa World Championship (Worlds) Play-in stage sa isang upset laban sa Turkish team na Supermassive.

League of Legends Carzzy Tweets Worlds 2020
Screenshot by Kristine Tuting/ONE Esports

Tinanong ng ONE Esports si Carzzy kung anong mensahe nya sa kanyang 2020 self:

“Put more work in, and also that I would tell myself that it’s not doomed even though the present situation is not looking great,” sabi nya.

Gustong maging kaibigan ni Carzzy sina Ghost at Khan ng DWG KIA Bago magsimula nga MSI 2021, nagpahayag si Carzzy ng interes sa Korean language, sinabi nyang gusto nyang matuto ng hangul para makausap ang mga players ng DWG KIA.

League Of Legends MSI DWG KIA Ghost
Credit: LCK Flickr

“I really like to be friends with Ghost and Khan” sabi ni Carzzy.