Ang invite-only na Champions Queue (CQ) ay nagsimula noong February upang magbigay ng low ping practice environment para sa mga North American pro players.

Subalit may ilang players, tulad ni Golden Guardians support na si Kim “Olleh” Joo-sung, na iniisip na walang masyadong pro na naglalaro sa queue. Nagreresulta ito sa mahahabang queue times, lalo na sa mga roles tulad ng support.

Napag-alaman din na ang Cloud9 mid laner na si Ibrahim “Fudge” Allami ay hindi pa naglalaro ng maski isang game sa Champions Queue, ayon sa CQ tracker na ChampionsQueue.gg.

At dahil sa pagkakaintindi ng community na kinakailangang mas pag-igihan ng mga NA pros ang pag-grind upang tumaas ang kanilang tsansa na manalo sa mga international events, marami ang pumupuna kay Fudge dahil mukhang hindi niya ito ginagawa.

Sa isang panayam ni Travis Gafford, ipinaliwanag ng 19-anyos kung bakit hindi para sa kanya ang Champions Queue.

Bakit mas gusto ni Cloud9 Fudge ang solo queue kaysa Champions Queue

MSI 2021 Cloud9 Fudge
Credit: Riot Games/LoL Esports

Ayon sa mid laner, na nagpalit lamang ng role mula sa pagiging top laner bago magsimula ang 2022 season, hindi ang Champions Queue ang tamang lugar para sumubok siya ng mga bagong champion o magsagawa ng limit test.

“I might lose the team [every Champions Queue game] and teammates might get triggered, so I prefer to play 1v1s or solo queue,” paliwanag niya.

Sinabi ng Australian na madalas siyang mamatay sa solo queue dahil sa kanyang playstyle dito, na inihalintulad niya sa kung paano maglaro ang dating Evil Geniuses mid laner na si Daniele “Jiizuke” di Mauro. Ang Italian player, na kasalukuyang walang team, ay kilala sa kanyang delikado at agresibong playstyle na nagreresulta sa maraming deaths.

“In solo queue, people are more okay with me [dying] more. I’m a bit like Jiizuke in solo queue. While he does it on stage, I do it in solo queue,” natatawang kwento ni Fudge.

Iba’t-iba ang approach ng bawat player pagdating sa practice. Lung may ibang pabor sa pag-grind sa CQ, tulad ni Olleh, ang iba naman ay mas gustong ibuhos ang kanilang oras sa mga 1v1 o solo queue, na hindi ganun ka-stressful.

Dahil ang CQ ay binubuo ng mga pro-level matches na may voice comms, may ilang players na nawawalan nang ganang maglaro dito matapos ang mahabang araw na puno ng scrims.

Sa kabilang banda naman ay may mga player na tulad ng Cloud9 academy pros na sina Jesper “Zven” Svenningsen at Sebastian “Malice” Edholm, na may pinagsamang total na 220 CQ games mula nang magsimula ang Split 2 noong March 14.

Wala namang excuse para hindi mag-practice sa CQ, ayon sa dating TSM player na si Yiliang “Doublelift” Peng. “In Eastern countries there are no excuses, you just play. [Lee “Faker” Sang-hyeok] hates Korean solo queue but he plays 10 games a day. You just have to,” sabi niya.

Mapapanood ang buong interview ni Travis Gafford kay Fudge dito:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.