Sinorpresa ni Twitch streamear Albert “BoxBox” Sunzheng ang League of Legends community matapos magpakita sa mga fans ng bagong paraan ng paglalaro nito.

Nagawa niyang mag-programa ng isang bot para magsilbing support niya sa LoL.


Ang Bao Bot ni BoxBox ay naglalaro ng League of Legends sa pamamagitan ng voice command

Credit: Riot Games

Dinala ni BoxBox ang paglalaro ng League of Legends sa next level sa pamamagitan ng pag-program ng artificial intelligence software para magsilbi bilang kanyang support.

Prinograma niya ang AI na may pangalang “Bao Bot” para i-pick ang support champion na si Janna sa lahat ng kanyang laro.

Gamit ang Janna, kaya ni Bao Bot na gawin halos lahat ng ginagawa ng mga pangkaraniwang LoL player–matuto ng mga champion skill, mag-target ng mga kalaban, magbato ng mga spell sa kanilang direksyon at kahit ang paggamit ng mga Summoner Spell. Ang AI support player na ito ay kaya ring makipag-usap at gayahin ang ibang mga player sa laro.

Ni-rewrite ni BoxBox ang orihinal na Javascript code mula sa software developer na si AterialDawn para kontrolin ang behavior ni Bao Bot na Janna. Kasama rito ang kanyang paggalaw at paggamit ng mga skill.

Sa kabila ng maliliit na technical difficulties, paniguradong nakahanap si BoxBox ng bago at nakakaaliw na paglalaro ng League of Legends. Ito kaya ang magiging future ng gaming?


Si Bao na vtuber

Credit: Bao vtuber

Ang boses ni Bao Bot ay hango kay vtuber Bao. Ang whale vtuber na ito ay isang virtual singer na nasa ilalim ng pangalang Hikaru Station. Ilan sa mga sikat niyang song covers ay kinabibilangan ng “Say So” ni Doja Cat, “Bubblegum K.K.” mula sa Animal Crossing at marami pang iba.


Si BoxBox nga ba ang pinakamagaling na Riven player sa mundo?

Credit: Albert Sunzheng

Gumawa ng pangalan si BoxBox sa League of Legends scene bilang isa sa pinakamagaling na Riven player. Siya ay isang top lane main na bihasa sa mga iba pang champion tulad nila Jayce at Gnar.

Tulad ng pro player na si Sneaky, si BoxBox ay kilala dahil sa kanyang LoL cosplays na tinatampok ang Arcade Riven at Pizza Delivery Sivir.

Ang orihinal na Vietnamese article ay galing kay Vu Long na isinalin ni Kristine Tuting sa English.