Malapit nang masaksihan ng mga kalsada ng Seoul ang BMW ni Faker.

Binaha ng pagbati at mga mamahaling regalo ang League of Legends superstar at three-time Worlds champion Lee “Faker” Sang-hyeok sa kanyang kaarawan noong Biyernes, May 7.

Makikita na ng Seoul ang BMW ni Faker

Ang organisasyong kinabibilangan nya, T1, ang nagbigay ng bagong kotse sa kanyang espesyal na araw (na kung tawagin nila ay Faker day).

Sobrang astig ng BMW M550i xDrive Sedan ni Faker na may matte black, metallic finish, at luxurious interior.

Ang BMW M550i xDrive Sedan ay kasalukuyang nagkakahalaga ng US$76,800.

 League of Legends T1 BMW M550i xDrive Sedan Faker Car
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Ang sasakyan ay personal na iniregalo sa kanya ng T1 CEO na si Joe Marsh sa mismong kaarawan nya noong May 7. Siya ngayon ay 25 taon gulang.

League of Legends T1 BMW M550i Faker Joe Marsh
Credit: T1

Sinubukan ni Faker ang kanyang bagong sasakyan, at ipinahiwatig nya ang kanyang kasiyahan na makatanggap ng mamahaling regalo sa pamamagitan ng kanyang signature thumbs-up pose.

League of Legends Faker Car BMW M550i t1
Credit: T1

Pinadalhan din sya ng iba’t ibang regalo ng mga fans at mga brands bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Matipid si Faker sa kabila ng kanyang milyon-milyong kita mula sa esports

Sa kabila ng malaking kita at pagiging co-owner ng T1, matipid si Faker at gumagastos lamgng ng humigit-kumulang US$170 (KR₩ 200,000) sa isang buwan, bagay na inamin ng pro player sa isang guesting sa Korean talk show na “Radio Star.”

Ipinaliwanag nya na mahilig lang syang pumirmi sa bahay, at sa katunayan, hindi pa sya nakakarating sa Itaewon, isang tourist-friendly district sa Seoul.

Pagbisita sa Myeong-dong, pagtawid sa Incheon Bridge, o simpleng pagbyahe lang sa labas ng Seoul – kaya nya nang puntahan lahat ng ito sakay ng kanyang BMW!

T1 at iba pang esports teams ay “United in Rivalry”

BMW United In Rivalry
Credit: BMW

Ang T1 ay bahagi ng *BMW esports alliance na “United in Rivalry” tampok ang ibang teams tulad ng Cloud9, Fnatic, FunPlus, Phoenix, G2 Esports, at kamakailan lang, OG Esports.

Sa “United in Rivalry”, ang mga teams ay gumagawa ng challenge-based content kasama ang BMW para ipakita ang kanilang competitive spirit laban sa isa’t isa. Ang lahat ng teams ay may sariling BMW vehicles na designed batay sa kulay ng kanilang organization.