Sampung mga champions ang nabigyan ng buff matapos ang League of Legends patch 11.15. Dalawa rito ang mga supports na sina Rell at Blitzcrank.

Sa meta ngayon, hindi madalas lumabas ang Blitzcrank. Kaya naman sinigurado ng Riot Games na pagkatapos ng patch ay mabubuhay muli ang champion na malakas ang kargada sa early at mid games. Para magawa ito, mas malaki ang magiging epekto kapag naka-land ng hooks, kasama na din ang mas pinatigas niyang defense stat.


Mga buffs kay Blitzcrank sa League of Legends patch 11.15

Credit: Riot Games

Base stats

  • Pinataas ang armor mula 37 na ngayon ay 40 na

Q – Rocket Grab

  • Pinataas ang damage mula 70/120/170/220/270 (+100% AP) patungong 90/140/190/240/290 (+120% AP)

Kahit pa karagdagang 3 armor lang ang ibinigay sa kaniya, natural na mas tataas ang survivability ng champion kontra sa mga marksmen sa lane.

Ang pinakamagandang na-buff ay ang Rocket Grab. Ang base damage nito ay tumaas ng 20 sa bawat level, habang ang AP scaling nito ay nabuff din ng 20%. Malaki ang epekto nito, at maaaring mabgukas ito ng ruta papunta sa Everfrost bilang Mythic item ng champion.

Napaka-epektibo na ngayon ng grab, silence, knock up tapos root combo at siguradong mas mapapahirap niya ang buhay ng katapat sa lane.

Sa meta ngayon na kinatatampukan nia Nautilus, Rakan, Thresh at mga enchanters katulad ni Lulu, maasahan na malaki ang maidudulot ng ultimate ni Blitzcrank na Static Field. Magiging mahalaga ang skill effect ng special skill niya kung saan lulusawin niya ang mga shields ng kalaban, kaya naman hindi malayong ma-draft ang champion sa pro play.

I-click ang buong link na ito para basahin ang kumpletong League of Legends patch 11.15 notes.