Pinuri ang OCE representative na Pentanet.GG bilang mga underdogs ng 2021 League of Legends Mid-Season Invitational (MSI).

Kahit na walang umaasang mananalo sila sa 2021 MSI Group Stage, tinalo ng Pentanet.GG ang CIS representative na Unicorns of Love sa isang Group A tiebreaker, at nag-qualify kasama ng Royal Never Give Up para sa Rumble Stage.

Mas mahirap ang mga kinaharap ng team at kinalaunan ay na-eliminate sa record na 1-9, pero ang masiglang OCE squad ay lubos na nagpapasalamat para sa international experience.

Ang pagbibigay liwanag sa OCE region

Sa kabila ng pagkawala ng OPL at paglipat ng mga kilalang players sa LCS, naniniwala pa rin ang PGG top laner na si Brandon “BioPanther” Alexander na may pag-asa pa para mabuo at makilala ang kanilang rehiyon.

Dahil nagawa ng Pentanet.GG ang kanilang layunin na makalabas ng Groups, ginamit nila ang Rumble Stage bilang pagkakataon na ipakita ang husay at talento na meron ang OCE region.

“This is a huge point for the LCO to really gro, and the OCE scene to be shown some love and respect,” sabi ni Pentanet.GG BioPanther. “We brought the heart and soul from our region and we’re doing everything we can even though we’re not getting as much money or support.”

League Of Legends MSI2021 LCO Pentanet.GG BioPanther Stage
Credit: LoL Esports

Sa pagtuon ng kanilang atensyon sa ikalawang bahagi ng LCO, dala ni BoiPanther ang mga aral na natutuhan nya sa MSI.

Naghari ang Pentanet.GG sa Spring season sa paniniwalang mas mahuhusay sila kaysa sinuman sa liga. Sa panahon na sila’y nasa MSI, napagtanto ni BioPanther na ang pagiging magaling na player ay hindi sapat laban sa mga subok na champion teams.

“We’re not setting up a lot of team plays and that’s something we get punished for,” said Pentanet.GG BioPanther. “Having that more aggressive teamwork and attitude to the game is probably what I’m going to take back to OCE.”

Si RNG Xiaohu ang top lane idol ni BioPanther

Kung pag-uusapan ang kanyang pinakamasaya at pinakamahirap na match-ups, sagad ang papuri ni Pentanet.GG BioPanther sa top laner ng Royal Never Give Up, si Li “Xiaohu” Yuan-Hao.

“He’s always consistent,” commented Pentanet.GG BioPanther. “I respect him so much because he uses every piece of the puzzle in terms of teammates.”

Kahit na maliit lang ang ipinapakitang champion pool ng RNG top laner sa MSI, sinabi ni BioPanther na ang husay ni Xiaohu sa paggamit ng mga champions na ‘to ay sapat na para solusyunan ang anumang draft ang makasagupa nya.

Sa kabuuan, kinikilala ng PGG player si Xiaohu bilang pinakamataas na uri ng team player, na lagging nakabantay at nakaabang sa kanyang mga teammates at marunong magdala ng synergy sa RNG squad.

Ipinaliwanag ni BioPanther ang halaga ng mga wildcard regions

Kung babalikan ang Group Stage, binanggit ni BioPanther na ang mga minor regions gaya ng Brazil ay dapat ituring na “super contenders” dahil meron silang magandang underdog story na naiintindihan ng marami.

“Minor regions shouldn’t be slept on,” sabi ni Pentanet.GG BioPanther. “My goal was to do the best that I can and to show that wild cards have a chance in big international events.”

League Of Legends MSI2021 CBLOL paiNGaming Stage
Credit: LoL Esports

Bilang huling wildcard team sa MSI, itinuring ito ng Pentanet.GG bilang isang karangalan na dalgin ang bandera ng mga hindi masyadong sikat na rehiyon at ang potential nilang makakuha ng upset laban sa mga mas kilalang teams.

Pinanindigan ng OCE squad ang kanilang wildcard status nang harapin nila ang Cloud9. Kahit na kakagaling lang ng NA representative mula sa panalo nila laban sa tournament favorites na RNG, hindi umatras ang Pentanet.GG at kinuha nila ang kaisa-isa nilang panalo sa Rumble Stage.

Bukod pa dito, sinibak ng PPG ang tsansa ng Cloud9 na makagawa ng miracle comeback sa Knockout Stage.

Magbabalik ang Pentanet.GG sa OCE bilang defending champions ng LCO Split 2.